2 weeks pa lang ang baby ko pero di ko na maintindihan ang nangyayare sa sarili ko, hindi ako kumakaen, naiirita ako kapag umiiyak ang anak ko at pag ayaw nya matulog. Kagabi naisip kong sakalin na ung anak ko dahil ayaw nyang matulog, sobrang pagod ung nararamdaman ko. Nahihilo ako, umiiyak ako, dumagdag pa ung stress dito sa bahay namen dahil dito pa tumira ung pamilya ng kuya ko hirap tuloy matulog ung anak ko dahil maingay ung anak ng kuya ko pati ung asawa nya. Gustong gusto ko na umalis dito samen. Umiiyak na lang ako, pag nandito ang asawa ko naiinis ako sakanya gusto nya kase asikasuhin ko sya ipagtimpla ko sya ng kape ipagluto ko sya. Alam ko naman na dapat ginagawa ko talaga un pero pagod na pagod na ko puyat na puyat na ko, na iistress na din ako kase ung baby ko ayaw nya dumede saken pakiramdam ko ayaw nya saken. ππ di ko na alam gagawin ko minsan tinanong ako ng asawa ko baket daw ayaw ko kumaen out of no where nasabe kong mamamatay na ko. Minsan naiisip ko na mamatay na lang, akala ko masaya maging ina, mag papasko kame na may blessing na baby. Pero hindi pala ganon π©π
Marjorie A. Fernandez