Newborn padede tips naman po

2 weeks old po baby ko, halos ayaw na lubayan dede ko. Kahit tulog gusto nya subo nya dede ko, pag inaalis ko nagigising at nag iiyak. Pwede ko na kaya bigyan pacifier si baby? Wala na kasi ko magawa buong araw, saka di ako makatulog ng maayos pag gabi kasi iniisip ko baka madaganan ko sya o malunod sa gatas habang nadede sya ng tulog ako

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hi mommy, medyo maaga pa kasi for pacifier kasi baka ma-confuse si baby sa nipple mo at sa nipple ng paci. Make sure lang na nakakaburp si baby after each dede para hindi siya malunod sa gatas mo. So dapat talaga gising ka habang nagpapadede or may kasama kang gising para mabantayan si baby habang nagpapahinga ka. Inom ng maraming tubig momsh para hindi ka madehydrate habang nag-aalaga kay baby.

Magbasa pa