Pacifier for Baby

Hello mga mii, 2 weeks old na po ang baby ko, naguguluhan ako mag decide kung ipacifier ko sya or what kase po breastfeeding po ako and ayaw nya umagwat sa dede ko, gusto nya pag natutulog sya nadede pa din sya, nahihirapan ako ilapag sya kase once na ilapag gising na naman sya at dedede na naman hanggang sa pa ulit-ulit na lang, na sstress ako kase halos wala na ako magawa kung hindi buhatin sya, naaawa naman ako kase nasisira ang tulog nya. Ano po ba ang dapat gawin?

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

same problem 🥹 Natutulog siya madalas buhat ko, o nasa dibdib ko, pag nilapag ko walang 5 mins gising na naman at grumpy, dedede ulit hanggang makakatulog ulit ng buhat ko lang, paulit ulit. Minsan nakakapagod kasi wala kong ibang magawa, ultimo pag ligo ko habol na habol sa oras, akala mo may sasabog na bomba, kailangan ko pa linisin sugat ko after (cs ako) sobrang nagmamadali palagi. Pag tatay nya nagbubuhat and trying to calm her, walang effect, dede ko lang nagpapatahan. May pacifier siya, ayaw niyang isuck. May feeding bottle rin, ayaw din idede. (pumped milk nakalagay) Challenging talaga as a first time nanay.

Magbasa pa
TapFluencer

hi mami. same tayo. ganyan din baby ko before. ebf po siya. minsan lang naman sila maging baby mami. kargahin natin sila habang gusto pa nila magpakarga. ❤️ enjoyin nalang natin kahit minsan nakakastress naman talaga 😁 mag 2yrs old na si baby this month and still breastfed pdn po. enjoy lang mami ❤️

Magbasa pa

ganyan na ganyan baby ko mi mag 1month this Sunday, binigyan ko sya pacifier 1week pa lang ata sya pano nagdugo na nipple ko sa ayaw niya tantanan. Gumagana naman sa kanya pacifier kaso kapag ayaw niya talaga ayaw niya either tinutulak ng dila niya palabas ng bibig o hinahawi ng kamay niya.

ganyan din si baby ko nung 2 weeks old palang . Ginagawa ko pinapa dede kona sya hanggang sa makatulog tapos nilalagay ko sa stroller para kahit may ginagawa ako nababantayan ko sya. Na guguilty ako bigyan sya ng pacifier kaya diko na ginawa .

TapFluencer

naku,mie wag mu ipacifier kakabagan lang c baby....try nyo mu magstock ng breastmilk pump tapos laay nyo sa feeding bottle tagal yan 3 hrs or 5hrs pagsa ref...babad lang sa mainit na tubig pag ipadede mu...tyagaan talaga..

gnyan din baby ko.. mag 1month plng sya sa 6😁 kanina bumili n kmi pacifier.. napanood ko kasi sa reels ng dr.pedia 😅

same situation mommy di ka nag iisa 😁