breastfeeding

2 weeks old na mahigit ang baby ko, kanina lang napansin ko na ang pagdede niya di pa umabot ng 5 minutes natutulog na siya pero ang haba ng tulog niya mga nasa 2-3 hours bago siya gumising at papadedehin ko ulit tapos tulog na ulit siya more or less 5 minutes. normal lang po kaya? wala naman po lagnat baby ko. nagwoworry lang ako dahil inaabot kaming dalawa ng isang oras noon sa pagdede niya.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Ang batayan po ng dami ng breastmilk natin ay based on baby's OUTPUT (poops, wiwi, pawis), at NEVER sa dami ng napu-pump/ pisil or paninigas/ laki ng dede. Reminder that babies don't only nurse on our breasts for feeding purposes but for comfort as well kaya madalas rin "nakababad" sila sa dede pero hindi naman actively sucking. So yung 1hr nyo, most probably ay comfort feeding na lng while kaya nya na rin namang idrain yung boobie nyo in 5 mins ☺️

Magbasa pa