Appetite

2 months pregnant na po ako and wala po talaga akong gana kumain simula nakaraang linggo. Isang beses lang ako kumakain ng kain sa isang araw tapos kunti pa. Prutas or kakanin lang kinakain ko. 😭 Mababalik pa ba appetite ko after 1st trimester?

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

dadaanan mo lang yan sis.. kaya mo yan! ako dati ung isang order ng lugaw isabg buong araw ko ng heavy meal un, morning til evening may vomit session ako, basta kung d k msydo makakain ng rice hanap ka ng pwedeng kapalit na makakain mo, magfruits ka din, ako madalas nun saging na saba pra mabigat din s tyan.. kala ko din walang katapusan ang pagsusuka ko pero nung ng.4mons nako sa pagbbuntis nawala na totally kahit nausea 💖 matatapos din yan sis! kaya mo yan!

Magbasa pa

normal lang sis ganyan din ako baka isang beses lang din ako kumakain tapos konti pa pilit lang din kc nga sobrang sama pakiramdam ko ung sobrang piling na masusuka tlga maghapon mag damag ..pero now 11weeks and 2days na ko medyo nakakain na ko wala na rin morning sickness🤗 try mo sis fruits and isipin mo ano gusto mo kainin ..pilitin mo po para kay baby🤗

Magbasa pa

sobrang na stress din ako nun parang gusto na sumuko ng katawan ko kasi walang gana kumain tapos sobrang hilo at nagsusuka talaga ko ..ginawa ko inom lang tubig and fruits para sa taste ayun ok naman nabubusog naman ako .. more fruit ka sis and vit babalik din gana mo kumain 🤗

same here. halos gusto ko na sumuko non kasi latang lata na ko. halos lahat ng kainin ko sinusuka. may halong dugo p nga ung suka ko. pero ngayon nakakain kona ung gusto ko. D n ko nagsusuka. Malalagpasan mu dn poh yan tska mkktulong dn ung gamot n bngy skn ng ob ko non.

VIP Member

normal lang yan sis lalo at nasa 1st tri ka palang..ganyan din ako nung 2nd to 3rd month ko halos nasusuka ko lahat ng kinain ko kaya bumaba din timbang ko nun..pero pagtuntong ng 4th month unti-unti na babalik ung gana mo sa pagkain 😊

VIP Member

skl sis, ganyan na ganyan po ako nung 1st trimester ko kasi maselan ako that time as in nagsusuka ako walang gana kumain at palaging hilo. pero nung nag 2nd to 3rd medyo umokey na po maya't maya naman ako kumakain 😊

Yes, momsh. Sakin bumalik pagdating ng 2nd trimester. Hirap din ako nung first trimester. Wala na kong gana, pag kumakain pa ko inilalabas ko rin lahat. Pero thank God kasi natapos din ako sa moment na yun.

normal lng yan, ganyan din ako dati, kadalasan nga mas gusto ko ang noodles na kainin, then napaka hina ko kumain, pumayat pa nga ako ehh

Iba iba talaga "paglilihi" sis. Sa 1st baby ko noon di talaga ako kumakain, as in milo lang iinumin ko pag nagutom ako.

VIP Member

Yup. Okay lang yan. My OB told me to drink pocari sweat kasi nilalabas ko kahit water haha

Related Articles