Tantrums 1yr10months

1st time nila makita yung anak ko umiyak ng matindi kasi lumalaki na nga at marunong na din umiyak ng malakas. Diba po normal lang naman to sa toddler na lumalaki na ?? Palaiyak pag may gusto. Sinabihan ba naman ng kapitbahay ko na wag daw ako bibili ng baril kasi baka daw pumatay ng tao yung anak ko. Tapos nung wala pa 1yr old nag dadaldal daw sabi nila, sobrang daldal at ingay daw para na daw nag mumura yung baby ko. Ang inosente ng anak ko pero ganito sila makapag salita. Iiwasan ko na sila. Bahala na kung OA. Kasi parang Hindi good sa anak ko na ganyan mga sinasabi nila. Pinapalaki ko ng maayos anak ko. Marunong mag bless at tinuturuan ko na din mag po at opo. Alam niya din yung tita,tito,ate at nanay (nanay tawag namin pag matanda na) kasi sila yung nakikita nila. Naiirita ako sa mga kapitbahay ko na to. Hindi magandang biro yung sinasabi nila sa anak ko.

 profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply