Hi Mommies! pahinge po ng advice about sa kapitbahay namin. Working parents po kasi ang mga parents ng kapitbahay namen. Laging na iiwan ang tatlong bata. Ages 10,2, at 1 all boys po sila. Yung panganay kasi mabilis magalit lagi nyang pinagmumura mga kapitid nya minsan sinasaktan may kasama namang yaya pero di nakiki alam kasi sya naman aawayin nung 10 yrs old. Sobrang concern po ako sa mga bata kasi baka umabot sa point na may ma disgrasya na. Ang problema po kasi yung Nanay nila nagagalit pag sinusumbong ng ibang kapitbahay my ung nangyayari sa anak nya. nakikialam daw sinabihan nya pa na "ikaw nalang mag bantay sa mga anak" ano kaya pwede kung gawin. Kawawa pag naririnig kung nag iiyakan yung mga bunso tas yung kuya nila panay mura sa kanila. kahit yung isa lang ang pinagagalitan umiiyak na din yung isa kasi natatakot na sigaw kuya nila.

mommy dapat yung yaya nlng kausapin nio, regarding sa mga kids kc yaya din aq and I have more time sa mga inaalagaan ko kesa sa mga mommy or daddy nila.. so pinagsasabihan ko cla kpg mali na yung ginagawa nila or mga sinasabi nila towards other people.. pag dating ng mommy or daddy nila galing work saka ko sasabihin yung mga bagay bagay na nangyari sa amin ng mga bata habang wala cla. I think maiintindihan naman nila yun kc nga wala cla para masubaybayan yung mga anak nila that's why they hire a yaya like me para mapunuan ang mga bagay na dapat cla ang gumagawa.. kya napakalaki ng role ng yayang tulad ko lalo na sa mga critical age na tulad ng mga kids nya. the yaya should be the one setting a good example, like di dapat sumigaw kht na sobrang nakukulitan na sya. ska yung mga ginagamit na salita hindi dapat harsh, kailangan din laging full of love and attention..dhl yun ang kulang ng mga bata na iniiwan ng mga magulang sa yayang tulad ko. ;)
Magbasa paKawawa naman yung mga bata :( Mahirap din kasing tumulong kung ayaw magpatulong ang mga magulang. Pero kung sincere ka naman sa concern mo sa mga bata, may oras ka kayang samahan sila kahit ilang minuto lang kada araw? Kailangan nila ng good role model. Wala kasing nagsasabi sa panganay na dapat inaalagaan niya ang mga kapatid niya. Mahirap din naman pagsabihan ang nanay nila kung napakadefensive - walang mapapala kung ganoon ang attitude niya. I guess in your own little way, try to reach out to the kids. Be kind to them, show them what being a good person means and the rewards they get for being good. Kausapin mo rin siguro si yaya. Pero tantiyahan rin talaga - kung masungit din si yaya, wala ring mapapala. I think kulang sa productive activities kasi ang mga bata. They need an outlet for all that boredom paired with all that energy. Meron bang mga kiddie clubs sa inyo na puwedeng nilang salihan?
Magbasa pamahirap pong maki alam sa ganyang situation. Bago mo po dalhin sa authority try mo po muna kausapin yung nanay mismo if ka kilala mo personally. Kung may ibang kamag anak din po na kakilala kayo ipaalam nyo din po sa kanila. Kung walang wala na po pwede na po itong dalhi sa barangay at ang mga officials po ang pabayaan ninyong mag ayos ng problema kase yaan naman po ang trabaho nila ang peace and order sa nasasakupan nila.
Magbasa paIf may time ka i-vobes mo si yaya. Pag close na kayo, pwede mo pahapyawan yung situation nung mga bata kapag tantyado mo na hindi sya ma-ooffend kapag ni-remind mo na no matter what happens, ke sya pa pagbalingan nung batang matanda, ay kailangan nyang gampanan yung role nya na siguraduhing safe yung mga alaga nya.
Magbasa pakung ako po.. ivivideo ko ung nangyayare tpos kakausapin ko ung mother irerecord ko din ung convo nmin tpos kung si mother hnd ggwa ng action.. takutin nyo po sya n susumbong nyo s dswd.. ewan ko lng kung d matakot yan at gumawa ng action.. takot nya lng..
Looks like mahirap kausap yung nanay. Tama yung ibang mommies dito, irecord mo para may proof ka. Report mo sa DSWD para they can conduct their own investigation. Pag authority na ang lumapit sa nanay, wala na siyang magagawa.
Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-25853)
ayos ah kayo na mga kapitbahay na nga concern minamasama pa nun nanay, kaya naman pala may pinagmanahan yun 10 years old na anak. Kung ganyan lang din wag na po kayo makialam, kayo lang din lalabas na masama.
pwd mo naman i record mommy for prof den punta ka sa dswd ng municipality nio and show it to them...u can tell din na wag sabihan ang name mo f dey go to ur kaptbhay..
2 yrs old and 1 yr old is too young to be left alone. baka ma trauma po yung mga bata sa kuya nila. kaylangan talaga gabayan yung mga bata.