share lang mga mi

19 y/o ako now at 24 days na si baby ko nag aaral at walang trabaho pero face to face na next week problema ko breastfeeding siya at ayaw niyang dumede sa bote tapos may vaccine pa siya sa nov na 6+1 kaloka mga mi 3,500 tas 400 sa hearing test tapos paubos na mga bulak at diaper ni baby etong asawa ko nag wowork as service crew e nagbabayad den nga mga utang dahil sa panganganak ko walang wala daw siya sobrang nakaka awa si baby di ko maibigay yung mga kailangan niya, nalulungkot lang ako lahat ng pinag oopen up ko alang nakaka intindi yung iba sinasabihan pako ng ginusto ko naman to sobrang nakaka guilty pag tinitingnan ko si baby tapos na aaway ko na partner ko at sinisisi ko na siya sa lahat, alam kong mali pero diko maiwasan sobrang gulong gulo nako sa buhay ko, malake yung chance na mag stop nako, di agad mapa check up at bakunahan si baby at umayaw na saken partner ko hays, wala nakong ibang ginawa kundi magsisi at umiyak wala akong magawa na kahit ano sobrang sukong suko nako nga mi

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kahit ako nasa sitwasyon mo mahihirapan din. Pero if nasa kalagayan mo ako. Mas mainam na ipriority muna ang anak mo. Una mas mapapamahal kayo pagka nagformula milk kayo. Sa mga gamit naman ni baby try mo mga reusable. Halimbawa maglaba ka na lang ng lampin pangdiaper if walang lampin hanap ka ng cotton na damit tas itiklop mo lagyan mo pin. Yung vaccines naman meron sa center nyang iba. If makaisang buwan ka na pwede ka din mag-apply ng work. Madami sa BPO na opportunities tapos if andyan mama mo pwede mo rin ipaalaga si baby. Abot-abutan mo na lang, if ever in good terms kayo ni mother mo. Magtabi ka paunti-unti para sa pag-aaral mo. Mahirap kasi if di sufficient ang funds nyo. Igoal mo din na makabalik ka sa school sayang kasi and sa totoong buhay mas madami opportunity sa nakatapos based sa observation ko lang. If makaswerte baka makahanap ka pa ng work from home. Isipin mo lagi maswerte ka pa din kasi healthy ka and yung baby mo. Malalagpasan mo din yan. Pray lang and unting faith pa kay God. If may problema ka and walang makausap pwedeng pwede magpost dito lavarn sister!

Magbasa pa

Blessed ka sis kasi breastfeeding ka at d mo na need n bumili pa ng gatas para kay baby. S vaccines naman May mga importanteng vaccines na available s barangay health centers yun ang I avail mo. Ang pag-aral ay pwedeng balikan. Kung shs ka lang at s palagay mo mapaglilipasan ka ng panahon. Pwde kang mag mag Alternative Learning System ALS ng DepEd. Pag kaya mo ng bumalik s pagaaral. Mag exam at pagpumasa pwede ka na mag college. Pwede mag wait ang pagaaral for some time importante healthy kayo ni baby both body and mind.

Magbasa pa

laban lng mommy. yung mga bakuna may free tayo mkukuha sa mga heath center. sa unang baby ko, private din ako nagpa vaccine sa lahat ng vaccine niya at masakit talaga sa bulsa. kaya dto sa 2nd lo ko, mga important lang kukunin ko sa private pedia tas kung ano available sa public health center pinapa vaccine ko :)

Magbasa pa

Hi mamsh... laban lang para kay bby.. ung mga need ma stop o ipang nxt tym ok lng yan importante anjan ka lng sa bby mu..