3days after manganak

Momsh, advice and help po. 3days nako nakaanak via normal delivery. Grabe yung tahi ko sobrang sakit nya, may gamot at tamang hygiene naman kaso hindi ko keri mag lakad o mag buhat ngayon si baby boy ko ay sobrang iyakin gusto nya buhat na padedehin, walang problema sa supply ko sa breast milk pero iniisip ko mah switch muna ng formula. Ayaw ko muna mag tatayo at ang sakit nya talaga, hindi ako makaupo man lang pag gusyo ko magpahinga kelangan nakahiga talaga. Pag nakain ako nakatayo tapos maya.maya masakit na yung tahi. Ano ba gagawin ko? Nakaka drain kase nag titiis ako ng sakit sa tahi tapos sakit pag dumede si baby sobrang awang awa nako sa sarili ko. #1stimemom #advicepls #firstbaby #worryingmom Update: Wow ang dami din pala naka experience nito, ung iba much worst pa. Salamat po sa lahat ng replies at advice sobeamg laking tulong mga momsh. ❤

14 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Same scenario mii. Sobrang hirap nian😔 Sana malagpasan mo. Ako nun yung pempem ko sabi ni hubby, parang kamao daw kalaki yung maga kaya hindi talaga ako makaupo. Higa at tayo lang talaga nagagawa ko. Nilagnat pa ako kasi ang laki ng breasts ko pero kahit anong pump at palatch ko patak lang talaga lumalabas. Grabe sobrang hirap nian kasi naexperience ko, ramdam kita sa post mo na toh. So ayun, no choice ako kundi iformula na ng tuloy tuloy si baby😔 One month pa lumipas bago ako naging okay kahit papano.

Magbasa pa
TapFluencer

Ako po before binigyan ng paracetamol for pain. Kasi yun lang pwede since bf ako. Tapos betadine yung pinanghuhugas ko. Not hot water. Warm lang for relief kasi baka matunaw yung tahi. Tapos kapag pinagpawisan na singit ko, palit agad panty para laging tuyo.

VIP Member

Pwede mo.mamsh pahiran ng betadine yung pinakatahi tuwing magwawash ka. Lagay ka ng betadine sa cotton ball the punas, isang stroke lang nakakatulong sya sa paghilom ng tahi. Advise sya ng OB ko effective naman

VIP Member

Betadine fem wash. Big no sa warm water malulusaw yung tahi baka bumuka. Advice ng ob ko tap water lang. try mo spray ng witch hazel sa perineum. Pag hindi na kaya inom ka ng dolfenal mefenamic.

antibiotic ka po for pain. ako naman via cs. nakaka recover na... saka d aman aq nappwersa alagaan ang baby ko dahil may tmtlong sakin... saka alternate dn ang padede q. sakin mnsan or formula.

ganyan din sa friend ko ang tagal bago gumaling, saken 3 days lang di ko na feel yung sakit pero pag uulan nakirot sya ilang taon ko din yun naramdaman

VIP Member

sa panganay ko hindi agad ako nakatayo... tapos tulog ako nung tinahi unlike sa dalwa hehe . sa unang linggo lang halos masakit kasi sariwa pa

VIP Member

ganyan na ganyan rin ako mi plus sa pagtae umiiyak na ako kase di ko mailabas buti nalagpasan ko na kakatrauma hahaha eto 9mos na baby ko 😊

sa first baby ko wala akong naramdamang pain sa tahi ko, cefalixin ung binigay na gamot sakin. kahit mag poops ako keri lang.

VIP Member

Ako din ganyan mag 3 weeks na Ako nakapanganak TAs nag ka pigsa pa sa may pwet ko kaya hirap umupo

3y ago

same tau momsh nag ka pigsa ako nung buntis ako cguro 7 months ang buntis hanggang sa na nanganak ako first time nga nang yari sakin nkuu kakaiyak nlg ako sa sakit.