Ayaw ko na magpabreastfeed palabas lang ng hinanaing ko

15 mos na si baby, nung una mix feed kami new born until 2 mos. Kaso may cows milk allergy pala sya kaya pinush ko magpabreastfeed direct latch kasi umayaw na din sya magbote nung 3 mos sya. Nung una okay pa kaso ngayon di na kinakaya ng katawan ko. Grabe na ung pagod at puyat isang oras sya lagi nakalatch sakin pag tulog ngayon nagkasugat na ung isa kong nipple pa. Hirap na ko gusto ko na magformula at mabottle feed sya. Kaso di ko pa magawa kasi nung itry ko na sana nagkasakit pa. Nagkaubo sipon lagnat tpos nagtatae pa. So napostpone muna pagpapatry ko sakanya ng formula. Grabe di ko alam kung gang kelan ko pa kakayanin. Pakiramdam ko mas lalo pa humina milk supply ko kasi nastress ako lagi nalang sya may sakit. Kada buwan lagi nagagamot. Parang pakiramdam ko wala na tlagang silbi yung breastmilk ko. Tpos di ko pa maalagaan ng ayos anak ko dahil laging pagod pagpadede Mentally drained na ko hai Sana magdede na anak ko ng formula pag umokay na sya. Hirap na talaga ko 😢

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy. As much as very healthy and beneficial kay lo ang breastmilk natin, at 1yo ay hindi na talaga ito enough para sa kanila. You don't necessarily have to replace breastmilk with formula, but it would be better if you focus on giving nutritious solid foods instead. Hugs to you and stay healthy yourself.

Magbasa pa
8mo ago

eto din isa ko prob okay naman sya nung nagsolid food puro veggies kaso netong nagtoddler naging picky eater. kaya hirap din pakainin. pero sinusubukan ko ibalik ung veggies kahit onti lang kinakain nya. mas gusto nya rice madalas ayaw din ng ulam