hello po patulong naman po kung pwede pa maging boy talaga sa pangatlong ultrasound ko
14weeks nung nagpa ultrasound ako nakita ng ob ko na boy daw siya. tas kahapon kaka 18weeks nung tiyan ko nagpa ultrasound nanaman ako girl na daw nakita niya. naguguluhan po kami kasi buong akala namin boy talaga siya kasi nakabili nakami ng konting gamit na pang baby boy. tska gusto po talaga namin na baby boy ayan po yung nagpa ultrasound akong una tska pangalawa nakita ni doc na boy at nung huli girl nadaw po talaga
Try nyo po baking soda gender test. Tgnn nyo s youtube f pno bka mkhelp dn po. Kc ngtry po aq non d p aq nag papa ultrasound s gender tas accurate po skn. Ung 2spoon baking soda lagay ko s disposable cup tas ung early morning na wiwi nyo dn po lagy mo dn s 1 disposable cup tas lagyn mo un may baking soda na cup ng wiwi na halos kasing dami lng dn nya tas check mo po kapag bumula ang wiwi mo n may baking soda babae ang nsa tummy mo. Kpag same pdn s wiwi mo wla ngyri wla bula un wiwi n may baking soda lalaki ang baby s tummy. Aq kc bumula konti kya ayon expct q n girl tapos pag patak ng paultrasound n girl po tlga nkta gang s nangank po n me girl tlga lumabas.
Magbasa paMaaga ka kasi nagpaultrasound for baby's gender. 18weeks onwards pwede na makita, pero ang 100% sure or accurate jan for baby's gender ay 24weeks onwards ang recommendation kadalasan ng OB. Ako nakasched ako ng ultrasound at 24weeks sa OB, pero ginawa ko, nagpalate ako ng konte, nagpaultrasound ako pagtungtong ng baby ng 27weeks. Kaya ayon mas kitang kita na baby ko. Nasa proper position na rin siya.
Magbasa paHnd papo tlga kasi accurate ung 14weeks posible po tlga na mabago pa' pero paultrasound po kayo mga 25weeks napo para sure tlaga kayo kasi ako boy din nung unang sabi tpos nung 20 to 21 weeks nko nun bigla sabi girl daw nag expect din po tlga ako kasi gusto ko sana boy 😅 pero kung pagkaloob ni lord na baby girl ulet happy narin ako kasi importante sken healthy at normal si baby☺🤗
Magbasa paTry nyo po humanap na ibang ob if babae or lalaki po talaga in may case po kasi na ganyan din ako sabi ng ob ko boy then nagpasecond opinion ako sa ibang ob girl daw yun so Di ko na lang Masyado ininisip kasi bawal stress nung na emergency CS ako gulat ko twins po pala ayun na pa bili ako madamading gamit kasi matchy matchy kpag kambal nga
Magbasa paHindi pa kasi talaga makikita ng maayos gender niya pag 14weeks pa lang. Dapat sana mga 20 weeks pataas, sa akin 18 weeks kita na na baby girl tapos sa july(6months na tiyan ko sa july) uulitin ng OB ko para sure daw kung baby girl talaga siya. Kasi unang check ng OB 80% baby girl daw kaya uulitin pa para makasiguro.
Magbasa paSis nangyari yan s 2nd born ko, 5 months ako nagpa gender ultrasound boy daw. Medyo nalungkot ako kc 1st born ko boy, I'm expecting girl sana. Then my Dr advice me ulitin s 7 months un girl nga. In ur case Too early pa din ang ultrasound mo, pwede naman try uli after a month. Basta may pambyad ka db. I feel you.
Magbasa paung ob ko po til 7 months ako hnd nya kino confirm tlga kung boy or girl, basta sasabihin lang nya sa mga utz ko "as of now mukang girl pa xa dahil wala ako nakikitang lawit pero di pa sure yan" ganun po, marami po kcng cases na pag labas ng baby iba pala gender, depende kc sa pwesto ng baby sa utz.
Sa 14 weeks po kase hindi pa po masyado malinaw ang ultrasound momsh akala po kase nila kapag may parang lawit is boy, un po pala busod lang po ung nakuhanan sa ultra sound. Mas maganda po mga 20 weeks up po kase magpaultrasound medyo malabo pa po kase ang gender kapag ganyang weeks po
Masyado pa po kasi maaga ung 14weeks para malaman ang gender ng baby. Dapat po matignan mabuti or ma distinguish ng nag uultrasound senio if pusod ba un or lawit. Sakin po almost 5months na si baby bago maconfirm na baby boy sya kasi tinatago pa nya nung mga naunang ultrasound namin.
Paanong tinatago po?
Same po sa akin nung una ultrasound ko 16weeks yung tiyan ko sabi ng OB boy dw baby ko pero maraming nagsasabi mas mabuti magpaultrasound ulit ng 6months para clear po ang gender ' may mga nabili na rin akong gamit 'kaya ayun baka next week magpaultrasound na po ako
Sure baby boy po gender?
Mom and Wife