Ask lang po

Hello. 13wks palang po akong pregnant at 1st baby ko. Lagi pong sumasakit ang likod at balakang ko pati na rin po ang puson ko. Tapos today sobrang sakit niya mismong likod, balakang at puson. Then nasabi ko po sa kasambahay namin then hinilot niya ako sa likod pababa tapos sa may bandang puson pataas naman. Medyo okay naman po pakiramdam ko pagkahilot kaso sumasakit ulit yung likod at balakang ko kapag naglalakad ako. Masama po ba iyon?

17 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

normal po ang pagsakit ng katawan pag first tri kasi nagbabago na yung katawan natin. wag po munang magpamasahe lalo na kung 1st tri mo pa lang kasi pwede ka pang makunan niyan.