question about paglilihi

12 weeks pregnant. Any of you mamsh experience the same as me? Sobrang lala ng morning sickness ko, regular sa morning then hanggang Gabi na kapag may naamoy akong Hindi maganda (mabaho, Amoy usok, anything na nakakairita ang Amoy) nasusuka ako, nahihilo, tapos ang init lagi ng pakiramdam ko, Yung feeling na ang init ng singaw na lumalabas sa katawan ko? ? ang Sama lagi ng pakiramdam ko ???? then Yung panlasa ko sobrang tabang, sinisikmura ako lagi.. simula ng nalaman ko na buntis ako never na naging normal pakiramdam ko ? Help anyone with the same experience? Normal lang ba to?

31 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same tayo momshie im 12 weeks now, iwas ka sa chocolates, malalansa at ako ang ginagawa ko inaamoy ko lang ung balat ng orange effective un sakin. Nakakrelax kapag naamoy ko ang balat ng orange. Pero wag kang kumain ng orange kapag sinisikmura ka. Magtrigger lalo yan, at yung mamantika at spicy foods. Kapag ndi ko na kaya ung pagsisikmura o paglalaway, at yung maasim na feeling umiinom nko ng gaviscon. Minsan effective nmn siya minsan ndi katulad kagabi medyo ndi siya umeffective nahirapan aqng makatulog agad. Bsta momsh ung sa kinakain mo lang medyo ingat k lang dun para ndi na magtrigger din. Kaya natin to, lagi ko na lang iniisip na makakalampas din kme ni baby sa 1st trimester. Ganun lang lagi isipin u at kausapin u si baby. :)

Magbasa pa

Same nung ganyan stage palang ako, sobra gusto ko ng sumuko kase sobrang hirap kapag sumusuka yung wala ka ng mailabas pero nasusuka ka parin ansakit sa sikmura at lalamunan kase mapait na yung lumalabas. ๐Ÿ˜… Nadagdagan pa ang hirap ko nung 13weeks ako nagkatigdas nilagnat. Halos lahat ng kakainin ko maski tubig hindi talaga tinanggap ng tyan ko lahat talaga inilabas. Meron pa na nagugutom ka pero wala kang gustong kainin. nandidiri ako sa mga pagkaing nakikita ko, kung meron man along gusto hindi ko rin nakakain kase di ko gusto ang lasa. Napapasabe nalang ako ng namimiss ko na yung normal na pakiramdam. ๐Ÿ˜‚ Ngayon 5months na ako, di na ako nagsusuka at gutumin na rin ako. ๐Ÿ˜Š

Magbasa pa
VIP Member

First couple of months, grabi talaga suka ko. Kahit walang laman ang tyan ko, suka parin ako ng suka, parang tanga haha. Ansakit na ng sikmura ko. Bawat kain ko, tatakbo ako sa sink kasi susuka na naman ako. Parang gusto na umiyak ng hubby ko kasi awang awa na sya sakin. Pero sa 3rd month, OK na ang pakiramdam ko. Di na rin ako sensitive sa mga amoy. Thank God. Kaya mo yan sis, pray ka lang for strength kasi kaylangan talaga natin maging malakas. Noon, ayaw ko talaga kumain. Wala aqng gana tas walang lasa para sakin ang food. Kaya ang ginawa ko, iinum ako nga konting konti na Royal (softdrinks) para may lasa ang dila ko habang kumakain. Yun talaga nakatulong sakin na kumain. ๐Ÿ˜‡

Magbasa pa

Nagsusuka, nahihilo, sakit at pagod ng katawan, hirapan sa paghinga, stuffy nose kht di nmn sinisip on, ngalay ng paa, going 5 mos, unti unti ng nawawala, sinamahan ko ng prayers na sana mawala na kase nakakapagod. Advised complete bed rest ako kase kumikirot sa left side ng pus on pero unti unti ng nawawala, dko rin nainom vits ksse nasusuka ako noon pati gatas dko pa nainom yung bgong bili, yung paa ko kpg tinataas ko nllgyan ng pillow sarap sa pkiramdam tpos more on left side lying. .sarap din ang malamig na tubig, nkkatanggal ng feeling nasusuka ๐Ÿ˜Š

Magbasa pa

Ganyan din po ako, 10 weeks pregnant po ako ngayon at sobrang hirap ng pinag dadaanan ko.. Gusto ko nakahiga lang palagi, tsaka yung panlasa ko parang ang asim kaya palagi ako naduduwal.. Kahit mabaho o mabango maamoy ko, basta ung mabagsik na amoy nasusuka ako.. Tsaka kahit ano kainin ko, kahit konti lang nasusuka parin ako.. Ayaw na ayaw ko kumain pero no choice kasi kawawa si baby.. Ginagawa ko nalang is natutulog ako palagi pampabilis ng oras .. Kaya natin yan mga momshies.. Fight lang for our Little one.. God bless us all โ™ฅ๏ธ๐Ÿ™

Magbasa pa
VIP Member

Same tayo mommy. 9weeks na ako ngayon pero lagi pa din nasusuka. Nakakaloka d ba? Ung tipong naiiyak ka nlg talaga minsan kasi sobrang hirap pa. Hndi dn ako mkakain maayos ksi walang gana walang lasa umg food. Kaht tubig ayaw ko dn kasi pangit ng lasa. Hndi makabangon halos buong araw nakahiga lang. Pag lumabas ka naman sobrang hilo ka kaya mas gustuhin mo pang magkulonh sa kwarto na lg. Hahaha. Nakakabaliw dn eh Actually 2nd baby ko na to. 6 yrs old ung panganay ko. Pero dito sa 2ndbaby talaga ako nahirapan ng sobra. Diyosko

Magbasa pa

Same tayo ng mostly symptoms, ang hirap. Lalo na nung hinsi ko pa alam na preggy ako. Napasok ako sa work, grabe lala ng pakiramdam ko. Di ako makapag focus sa work, para akong lantang gulay, pinagkaibahan lang natin is... Ako nilalamig agad kahit hangin lang ng fan. Nakakawalang gana nga kumain eh, kahit ano di okay sa panlasa ko, may after taste. Kaya laki ng pinayat ko. Ngayon going 4 months. May mga symptoms na nagstay, kakainis nga eh.

Magbasa pa

Same here, ganyan na ganyan din ako nung 1st to 2nd month ko. Sobrang di ako makatayo kasi napakasakit ng sikmura ko, minsan isang buong araw isang beses lang ako nakakain ng kanin di pa ubos yun kasi sobrang sinusuka ko kahit lunok ng tubig napahirap. 17 weeks na ako now nawala lahat ng pangit na pakiramdam ko, salamat sa Diyos. Pray lang din tayo momsh na malagpasan natin yung ganyang stage, walang imposible sa Panginoon :) God bless po

Magbasa pa

I have the same experience po. Na bed rest ako for 3 weeks at nakaka guilty man naiisip ko na talaga na sana di na ko nagbuntis. May time na nagsisisi ako. 14 weeks na po ako ngayon at mejo nag iba iba na. Fight lang mommy makakabawi din po katawan mo. Basta pilitin mo lang magkakain kahit sinusuka mo. Nakakatulong po saken ang cold water or fresh juice as doctor's advice na rin po.

Magbasa pa
VIP Member

9 weeks na ako. Lage ako nasusuka, pero laway lang lahat. Pag meron naman aqng gusto kainin, sinusuka ko din naman. Everytime susuka ako, yung husband ko parang iiyak na kasi naawa na sya sakin - hinahaplos nalang nya ang likod ko and tyan ๐Ÿ˜. Takot na aqng kumain kasi lagi aqng nasusuka (ansakit sa tyan at sa throat) but no choice kaylangan kumain for Baby Bump. ๐Ÿ˜Š

Magbasa pa