question about paglilihi

12 weeks pregnant. Any of you mamsh experience the same as me? Sobrang lala ng morning sickness ko, regular sa morning then hanggang Gabi na kapag may naamoy akong Hindi maganda (mabaho, Amoy usok, anything na nakakairita ang Amoy) nasusuka ako, nahihilo, tapos ang init lagi ng pakiramdam ko, Yung feeling na ang init ng singaw na lumalabas sa katawan ko? ? ang Sama lagi ng pakiramdam ko ???? then Yung panlasa ko sobrang tabang, sinisikmura ako lagi.. simula ng nalaman ko na buntis ako never na naging normal pakiramdam ko ? Help anyone with the same experience? Normal lang ba to?

31 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same nung ganyan stage palang ako, sobra gusto ko ng sumuko kase sobrang hirap kapag sumusuka yung wala ka ng mailabas pero nasusuka ka parin ansakit sa sikmura at lalamunan kase mapait na yung lumalabas. πŸ˜… Nadagdagan pa ang hirap ko nung 13weeks ako nagkatigdas nilagnat. Halos lahat ng kakainin ko maski tubig hindi talaga tinanggap ng tyan ko lahat talaga inilabas. Meron pa na nagugutom ka pero wala kang gustong kainin. nandidiri ako sa mga pagkaing nakikita ko, kung meron man along gusto hindi ko rin nakakain kase di ko gusto ang lasa. Napapasabe nalang ako ng namimiss ko na yung normal na pakiramdam. πŸ˜‚ Ngayon 5months na ako, di na ako nagsusuka at gutumin na rin ako. 😊

Magbasa pa