question about paglilihi

12 weeks pregnant. Any of you mamsh experience the same as me? Sobrang lala ng morning sickness ko, regular sa morning then hanggang Gabi na kapag may naamoy akong Hindi maganda (mabaho, Amoy usok, anything na nakakairita ang Amoy) nasusuka ako, nahihilo, tapos ang init lagi ng pakiramdam ko, Yung feeling na ang init ng singaw na lumalabas sa katawan ko? ? ang Sama lagi ng pakiramdam ko ???? then Yung panlasa ko sobrang tabang, sinisikmura ako lagi.. simula ng nalaman ko na buntis ako never na naging normal pakiramdam ko ? Help anyone with the same experience? Normal lang ba to?

31 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same tayo momshie im 12 weeks now, iwas ka sa chocolates, malalansa at ako ang ginagawa ko inaamoy ko lang ung balat ng orange effective un sakin. Nakakrelax kapag naamoy ko ang balat ng orange. Pero wag kang kumain ng orange kapag sinisikmura ka. Magtrigger lalo yan, at yung mamantika at spicy foods. Kapag ndi ko na kaya ung pagsisikmura o paglalaway, at yung maasim na feeling umiinom nko ng gaviscon. Minsan effective nmn siya minsan ndi katulad kagabi medyo ndi siya umeffective nahirapan aqng makatulog agad. Bsta momsh ung sa kinakain mo lang medyo ingat k lang dun para ndi na magtrigger din. Kaya natin to, lagi ko na lang iniisip na makakalampas din kme ni baby sa 1st trimester. Ganun lang lagi isipin u at kausapin u si baby. :)

Magbasa pa