20 Replies
naku di po yan normal, nag bleed din ako nung 1 or2 months, tumigil ako sa pag vitamins, kase un ang sinusuka ko then maselan sa pagkain, more on saging, kamote nalang kinakain kase ung kanin sinusuka ko din, tas more on tubig, tulog higa. maselan kase ung pagbubuntis ko, niresetahan ako ng OB pampakapit at gatas pang pregnant, simula nun di na ako nag susuka, pag sumusuka kase ako nun may kasamang dugo, at saka nararamdaman ko na na pwepwersa ung baby ko pababa. then now okay na siya mag 6mnths na tyan ko, nag shake ako ng carrots and malunggay mabisa siya, biglang laki baby ko sa tyan ko ❤️
Not normal po. Ganyan ako nung 1st trimester every time mag vomit Ako May konting konti lang na bleeding pero pinag take ako ng duphaston 3x a day para pampakapit. 2 months ako pinag duphaston ng OB ko then bed rest. Magastos pero para sa safety ni baby kakayanin.
hindi po normal yan mommy. ganyan din po nangyari sakin sa first baby ko. akala ko okay lang, tapos yung sa pagsusuka akala ko dahil lang sa pagbubuntis kaya sumobra pagsusuka ko nung mga time na yun. di ko alam na wala na pala heartbeat baby ko
Di po normal. Ganyan din ako 36weeks tiyan ko nun kala ko mag lalabor nako. Sabi ng midwife close padaw cervix ko kaya nag ask ako sabi ng hilot (mananabang in bisaya) lamig lang daw. Ligo ka ng maaga before kumain kaya ngayon okay nako.
Go to hospital na po para macheck status ni baby. Ayoko po kyong takutin pero,nag bleed aq nun pero hindi ganyan kadami, pero threatened miscarriage na ko. Okay nman c bb...with d help of bed rest and pampakapit.
Hello same po tayo 3 months na pero nagsusuka din ako pero walang spotting. Pero parang hindi na normal kapag may spotting ka. Kailangan monang magpa check up nyan.
Same tayo sis pero hindi ako nakapagpacheck up dahil walang OPD pero naadvise naman ako ng dr ko na mg take ng duphaston ulit once mangyre ulit yung ganyan.
Any spotting po na not normal unless kng kbuwanan m na talaga..contact ur ob now at kng anu suggest nya just follow..God Bless🙏
Bleeding na yan. Sign of miscarriage. Emergency yan kaya papadaanin ka kahit lockdown pa. Takbo na agad sa hospital
Sumuka din ako mommy nung time na nagkaka miscarriage na pala ako. Punta ka na agad hospital mommy.
Anonymous