first time preggy
11weeks pregnant first time tapos nasa abroad ang asawa ko . ang hirap lang po kase madalas po ako nagiging emotional minsan umiiyak nalang po ako ng walang dahilan at minsan naman dami pong pumapasok sa isip ko na nakakapagpalungkot po sakin tulad nalang po ng pagkalayo sakin ng asawa ko andito po ako ngayon nakatira sa family ng asawa ko . nasa province kc ang mga kapatid ko at wala nakong parents . siguro isa din sa nagpapalungkot sakin yung naiisip ko na manganganak ako na wala yung sarili kong nanay sa tabi ko ? ang hirap po mag buntis ng wala ng magulang ?

Lakasan mo lang loob mo. Normal ang anxiety or pagkalungkot ng isang buntis aside from malayo ang asawa mo at wala na ang parents mo (sorry to hear that) Huuug!! Both of my parents died na rin. Nawalan rin ako ng bf (he died na rin). Mahirap. Sobrang hirap. Pero nung dumating baby ko (I'm26weeks pregnant) sobrang sinaisip at sinapuso ko na IBA TALAGA BUMAWI si Papa God. Kahit malayo ang asawa mo, lakasan mo lang loob mo mamsh para sa baby mo. As long as hindk ka napapabayaan ng family ng asawa mo. 💛
Magbasa pa

