Success!

11 am Routine checkup yesterday, exactly 37 weeks. 3-4cm na daw kaya ginawan na ko admit slip pero pinauwi padin. Observe daw if sasakit na. 1pm patigas tigas na ang tiyan ko mga 20 minutes interval 4pm Bloody Show 6pm Admit na sa Hosp. 5-6cm dilation 7pm-12am mas maiksi na interval pero tolerable pa sakit. Still at 6cm. 11pm naglagay na si Doc ng oxytocin sa IV Drip. 1am nagsimula active labor. As in super sakeeeet. Si ko alam saan ako kakapit sa sakit. But still at 6cm. Need 7cm para dalhin na sa delivery room. Quarter to 2am, nag 7cm na sya. Dinala na ko sa delivery room. 2am Super sakit na tapos gustong gusto ko na syang sabayan kasi para ng natatae ang feeling. haha. Tinawagan na nila si doc. OTW na daw. After 4 pushes lumabas na si baby. Di na naantay si OB. So yung inunan nya na lang ang naabutan tapos stitch sa pempem. Super worth it ang pagod, sakit, iyak lahat lahat na kapag pinatong na sya sayo.. ? Akala ko ma CCS ako kasi di ko na talaga kaya. Buti na lang tumulong naman si baby at gustong gusto na talaga lumabas although nasa smaller side sya. 2.6kg Welcome to the outside world, Iana Zoe Saoirse! Daddy and Mommy and Kuya loves you so much! ?

Success!
249 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Congrats po mommy sana ako den pagka 37weeks ko or 38 manganak na ako para di na masyado lumaki si baby, ask lang po mommy ano pong ginawa nyo para mabilis manganak?

6y ago

binawasan ko momsh ang masyadong laging nakahiga. tapos galaw lang ako ng galaw sa loob ng bahay.. linis dito linis don.. hindi nga ako nakakawalking kasi laging maulan dito samin kaya thankful ako na hindi na ako pinahirapan ni baby. kaya mo yan mommy! 💪