Away
10 weeks na tummy ko. Lagi kami mag kaaway ng father ng baby ko. Ayoko na ituloy pag bubuntis ko. Can anyone help me how po? Gusto ko lang yung maayos po sana na sagot. Alam ko na Mali. Mali. Pero desidido ako.
Hi sis, kwento ko lang nangyari sakin. First pregnancy ko sana ngayon 3months na sana kung di ako na miscarriage recently. At first mahirap and maraming gumugulo sa isip ko kasi im not yet ready to take the responsibility nung hindi ko pa confirmed talaga na buntis ako. But after nang malaman ko na buntis nga ako tinuloy ko siya kasi ginawa ko yun eh, ginusto kong gawin yon so kung ano resulta ng ginawa ko dapat panindigan ko. Yes dahil dun na excite ako sobra knowing na sobrang excited din yung father ng baby ko kasi pangarap niya rin magkapamilya. Sinoportahan ako ng guy, but suddenly after 8weeks of my pregnancy dun ako nag start na duguin akala ko masasalba pa eh pero wala na hindi na talaga kinaya. And till now sobra akong disappointed sa sarili ko sa nangyari sakin. Look wala akong ininom or kinain na makakasama sa pagbubuntis pero nalaglagan parin ako. May mga taong handa maging ina kahit dipa ready pero pag akam mong magiging mommy kana, makakalimutan mo kung ano sasabihin ng ibang tao sayo pamilya mo man or hindi kasi mas iisipin mo kapakanan ng baby mo kesa sa pang sarili mo. Kaya kung ako sayo sis hindi ko hahayaan na dahil sa hindi pagkakaunawaan at pagkakaintindihan ko sa tatay ng anak ko eh hindi ko itutuloy. Napakasarap matawag or maging isang ina na kelan man hindi inisip na problema lang yung dinadala niya sa sinapupunan. Gusto kong maging katulad mo na may kakayahang magbuntis pero hindi ko magawa dahil sa problema ko matres ko. Nakakalungkot man isipin na handa akong maging isang ina pero hindi ko kayang magdala ng bata. Sana hindi pa huli ang lahat. Kasi after ko mag miscarriage daming pumapasok sa isip ko na hindi ko man narinig sa baby ko na sabihin sakin "bakit hindi ko siya naalagaan pa at mas iningatan para sana hindi siya nawala" sobrang sakit non para sakin kasi sarili ko na mismo nagpapamukha sakin non kaya ang sakit sakit. Marami ring mga nasa murang edad eh mas pinili buhayin ang bata kesa ipalaglag para lang masabi na dalaga. Kaya sa mga mamshie out there! I'm so PROUD OF YOU!
Magbasa paI been here too. I tried to kill my baby too before. I do lahat ng bawal halos kamuhian ko siya kasi in one snap nagbago lahat. I didn't expect this, ayaw ng tatay nya dito, even my family. Sobrang depressed and stress ko kasi nawala lahat sakin. Pangarap ko, work ko, good opportunities, halos lahat nawala, from ipon and my income become zero. 3 and half months ako nagtiis, self support ako kay baby, sakanya lang napunta lahat. Nagpa TVS ako 7weeks una hindi pa ako naniniwala pero halos kamuhian ko si baby pagkakita ko sakanya sa scan. Hindi ako natuwa sakanya kasi walang wala na ako, support from anyone wala akong makuha kahit from my family, friends and yong father ng baby wala. He plan na ipalaglag pa nga si baby kasi hindi niya daw kaya. Then we both decide na pagkasahod niya ipapalaglag to kaso Umabot ng ilang buwan, nagtatago na yong tatay then last kita namin kasi naghahanap kami ng illegal birth...bigla akong dinugo sa sobrang break down ng todo ko na ata yon. Inabot ng ilang araw din yon. Sobrang iyak ko idunno why I cry pero iniisip ko si baby baka napano then sinapak sapak ko yong bf ko, thinking na sobrang happy niya ata kasi di kami mahihirapan and di na siya gagastos ng malaki because of what happened. Days past, pina check up niya ako sa unknown clinic and all of the sudden doctor offer me raspa, and I answer her pag iisipan ko kasi nagiba bigla yong feeling ko nung nakita ko si baby na tao na siya. Literally mukha na siyang tiny baby sa tummy ko nun. May ulo na, may kamay, paa at katawan na siya. I feel guilt kung itutuloy ko pa ba or not hanggang sa pinanindigan ko na siya now. Praying and hoping na normal siya paglabas.
Magbasa paSelf support na lang ako now and atleast my parents accept my condition kahit hindi sila natulong financially. And in this kind of scenario makikita mo talaga sino ang mga totoong friends mo, and thanks to them who help me to my mini business where I can finance myself. Thanks Mommies, my baby is doing good now. I'm 6 months na and doctor said the baby is Healthy. Buti makapit siya kaya kahit anong bawal na ginawa ko before di siya bumigay. (PS: di po ako uminom ng any medicine/herbal na pampalaglag) I'm planning mag CAS to check if normal ba si baby and walang deperensiya epekto ng kagagahan ko before.
Wag kang sumuko or isuko baby mo, ako weeks pa lang yung baby ko away na kami ng bf ko, kasi nambabae siya, minsan naisip ko yang naisip mo, pero inisip ko mag kakaanak na ko, ilang buwan akong stress dahil sa tatay ng anak ko, nadagdagan pa nung nalaman ko kong buntis pala yung naging gf niya at siya ang magiging tatay, sobra sobra oinag daanan ko nun, iyak dito iyak dun, pero sa tuwing di ako umiiyak iniisip ko anak ko, kinakausap ko nag sosorry ako kung bat laging masama loob ko, nag sosorry ako sa anak ko, sobrang sakit yung nangyari sakin sis pero di ako nag padala nun, hanggang ngayon masakit pa din pero yung anak ko iniisip ko. Mag kakaanak na ko. Wala na kong magagawa kung ayaw man sakin ng papa ng anak ko. Masakit talaga sa una pero wag mong igive up yung baby. Wag na wag.. Ako iniisip ko baby ko.. Naawa ako sa kanya gusto ko maranasana niya na may masayang pamilya siya pero di ko man maibigay yun sa kanya gagawin ko lahat upang mapasaya siya.. Dont give up your baby please
Magbasa paAlam mo sis dati ganyan ako puro itak ung binibgay sakin sama ng Loob tapos bigla akong napaupo s isang sulong sa madilim tapos habang umiiyak ako nanalangin ako kay pap G. ang sabi ko G kung hindi po para samin si baby kunin nyo po muna kase puro sama ng loob ung binibgy sakin ng am nya. tapos after 2 mons mahigit nakunan ako 😭which is pinag sisihan ko yun. nakunan ako ha hindi ko sya pinaabort😭 tapos till 1 year na mahigit nakakaraan dipa sumsagi si baby ko sa panaginip ko pero araw araw ako humihingi ng tawad sakanya araw araw ko sya kinakausap☺️ ngayon buntis ako ulit at mag 9 months na sya ngayong october😊 kaya lagi ko din pinag dadasal na safe kami ni baby kapag ilalbas ko na sya. at healthy sya😊 kaya ikaw stay strong lang labn lang pra ky baby mo:)
Magbasa paNo one will help you here na ipalaglag yang baby mo, mommy. If seryoso ka and desidido ka talaga ipalaglag yang baby mo google has hundreds of options to choose from, sana lang brave enough ka if gagawin mo talaga kasi habangbuhay mo na kunsensya yan, ikaw ang habang buhay na magdadala ng burden samantalang yung bf mo ngayon happy happy lang, parang walang nangyare. Sana pag tinry mo magpabort, hindi masira ng tuluyan yung uterus mo para if ever na mameet mo na yung right guy for you eh mabibigyan mo pa siya ng baby 😊 Hindi baby mo ang toxic sa buhay mo kundi yung bf mo and pati na din sarili mo. Go, push mo lang yan. Magpadefeat ka sa away niyo ng bf mo and sa emotions mo para happy ka na forever 😊 Pray for His enlightenment, mommy. Yes.. "mommy".
Magbasa paGano ba kalala yang pinag aawayan nyo? Kasi kami dati nabuntis ako wala syang trabaho. Tapos nangungupahan pa kami. Tapos below minimum pa sinasahod ko tapos may mga utang pa kaming binabayaran. Kung ako nga nagdadabog pa noon at naglalayas pag nag aaway kami e. Tapos muntik na mapaanak ng kulang sa buwan. Ngayon naman manganganak na pero ni singkong duling walang wala kame. Ultimo pambili ulam wala maski bigas. Pero never ko naisip na itigil pagbubuntis ko. Lagi akong nagdadasal na sana gabayan kami alam kong di kami papabayaan ni Lord. Blessing yang baby mo. Baka bumalik ang karma sayo kung kelan gusto mo ng magkaanak saka ka naman hindi makabuo kahit maampon na bata wala. Isa pa, ginawa nyo yan kaya panindigan nyo. May suporta man nya o wala.
Magbasa paGanyan din kami ni hubby during 1st trimester ko sa panganay ko. Dumating pa sa point na muntikan na kami maghiwalay. Pero never ko inisip na hindi nalang ituloy si baby. Blessing siya for me. I'm surrounded by girls who are eager to have a baby. Tpos ako mabibiyayaan tpos ipapaabort ko lng? Db? Since 2 sa friends ko may pcos and ang ate ko may pcos dn so hirap sila magbuntis. Inisip ko nalang na wag ipaalam sakanya. *yes di nia alam na preggy ak that time*. Pero nag usap kmi ng maayos at ng mahinahon pra magkaintindihan kami. Pag pareho ksi kayong galit d tlga kayo magkaka intindihan. Now oky nkmi ni hubby mas naging oky kmi nung lumabas si baby. PS: Magkaka 2nd baby nakami this coming oct. 😁
Magbasa pa<3
Malabo meron tumulong sayo sis . Delikado d lng sa baby mo pati sayo.. Medyo mag isip k muna for sure duduguin ka hopefully masurvive mo at d bumagsak bp mo to the point n need k dlin sa hospital at salinan ng dugo. If so.. lahat tatanungin Po sa inyo(med. history) at d mo Po Yan maitatanggi sa mga Dr.. at pwede k nila ipakulong sa ginawa mo ginawa mo lng miserable buhay mo.. criminal case Po Ang abortion sa pilipinas.. nasaktan kana, nakulong ka pa.. well if you think worth it Ang pain at risk go for it pero mind you wla pakialam ama ng anak mo if makulong ka or mamatay k sa gagawin mo.. Kung ako sayo Ituloy mo n lng ska mo dalin sa dswd Kung ayaw mo tlaga palakihin ung bata. .
Magbasa paGanyan din ako nung una mamsh mga what if na maisip mo like ganito ugali ni hubby what if meron na ang baby gnyan pa din ugali tapos dpat mas understanding ang lalaki kase buntis ka nga kaso mas naging walang kwenta at di man lang inisip na buntis ka so emotional at sensitive ka talaga. Pero sana hanggang isip lang yang naiisip mo mamsh. Kase sa huli ikaw dn magsisi. 7months preggy na ako, happy naman so far pero palage pa din kami nagaaway ng partner ko hndi ko pa din nafifeel pagiging responsable nya at understanding nya pero nagaasa pa dn pa naman ako mgbago sya. By the way sa baby ako nagakuha ng lakas if ever nadodown ako :) blessing yan mamsh. Wag mo sayangin
Magbasa paDesidido ka na palang itigil yang pagbubuntis mo pwes wag ka dito magtanong. Puro mga preggy at gusto maging preggy ang nandito hindi yung mga gustong magpalaglag. Nakaka insulto para sa mga hindi mabiyayaan ng anak yang tanong mo. Buti sana kung nanghihingi ka ng advise about sa problema mo sa ama ng baby mo. Or kung pano mo bubuhayin mag isa yang baby mo kaso hinde e. Ang hinihingi mo adivse kung papano gagawin para hindi na matuloy yang pinagbubuntis mo. Blessing yan ate girl. Bigay ni Lord yan. Nag aaway lang kayo idadamay mo na agad ang bata. Pag pinalaglag mo yan wala ka na ding pinagkaiba sa mga mamamatay tao. MASAMANG PUMATAY alam mo yan!
Magbasa pa
1st time cs mom to baby chinito prince