Hindi ko na alam gagawin ko!

1 year palang kaming kasal ng hubby ko and dito pa kami naka stay sa parents nya with her couzin na 12yrs old na señiorita kung umasta, in other words tamad. Always nalang kaming nag aaway dahil sa pinsan nya like ka gabi nagalit byenan kong babae palagi nalang dw inaasa ang pag hugas ng pinggan kay anne eh yun lng nmn ang trabaho nun sa bhy hugas ng pinggan, walis yun lng kung hindi pa nga uutusan hindi kikilos eh, at palagi namen syang pinag aawayan ng asawa ko at palagi kong sabi sa kanya na bumukod na kami para wala ng gulo at ang palagi nyang sagot wg dw muna ngyon at hindi pa namen kaya ee ang tanong ko sa knya kelan darating yung time na kaya namen? kapag malaki na anak namen? (may baby kmi isa 4months palang now) at ngayon gustong gsto ko na talagang bumukod kami pero ayaw niya hnd ko na alam gagawin ko. ?

21 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

not same cost tau momshie ako nman byenan ko kalaban ko pero ndi kme nakikitira at the same time sya ung nakkktira samen dahil cmuka umuwi abroad dto na sya nag stay samen pro dpat sa probinsya pro ayw ng live-in partner ko wla nman kse sya naioundar since she work on abroad and umuwi sya dto pero dahil nanay sya ng live-in partner ko hinayaan ko kse bka skali magkasundo kme, since day 1 nagmeet kme habang tumatagal nakikitaan ko na ng ugali syempre may bad side dn ako pero dhil matanda na mdalas kpag pinagsasabihan nya ko sumasagot dn ako ndi pdeng wla akong sagot hanggang ngayun ksma nmen sya nag iba na ang tinginan namen sa isat isa in short may plastikan na gaganap. lalo ngaun 2 na apo nya saken nakakainis kse masyado pakialamera pero knowing that wla nmn dw kse byenan na ndi makikita ang side mo or else ang ginagwa mo in real life. wala share ko lang . nakakainis dn kse prang bwat kilos at galaw napupuna nakakapuna dn sya as may experience sa mother in law. for ur cost momy much better sbhin mo kay hubby na sainyo kn lng mona isama mo baby mo tutal 1 year plng nman kaung ksal at bka mama's boy pa yang hubby mo hndi mo alam naguusap sila kpag nkatalikod ka and bka dahil kaya ganyan byenan mo sayo bka ndi ka nya gusto para sa anak nya i feel that ganyan dn ako pero wla ko pake kse wla nman sya alam sa relasyon nmen since nagkakilala kme ng anak ng byenan ko.hehehe ganun nlng gawin mo tutal bata lng din nman yan tiisan mo muna o much better pag sabihan mo dahil at sbhin mo dn sa byenan mona hndi porket ung bata lagi naka tuka sa gawain o sa walis at hugas e ibig sbhin dn non e tamad kn may inaalagaan ka at need mo dn mag rest lalo at age 4 months plng ang baby mo hndi nman mabigat na gawain ang pag huhugas at walis para matuto dn ung bata kse nakahilata lng. un lang mash shinare ko lng thoughts ko hehe as may experience pero un na dn advice ko for u ... god bless u momshie...

Magbasa pa

momshie nagwowork k dn ba? or c hubby mo lang? kc if pareho naman kaung may work gawan mo ng paraan na makapagtriping kau for a new house, kc kng d mu xa dadalin sa gnun d xa maggng interested.. at lagi lang nya sasabihin d pa kaya.pero once na makita nya un new house at mgnda environment para sa famly nyu maeeganyo un na kumuha ng bahay, itry mo isearch un best place to get a house tas tska mo xa isama sa triping. pero if xa lng ang nagwowork at xa mismo ngsabi d nyu pa kaya gnun tlaga need mo lang magintay n mgkaipon kau or mkyanan n ng kita nya un pagkuha ng bahay. kc kami nun hubby ko ngstart kami magbf sa work after 2yrs namin mgkaliv in sa bahay ng fam ko nghanap nako ng house since kaya naman ng sahod naming 2 un kumuha ng bahay. last yr lang ako nabuntis sakto New year new house na dn kami and now expecting for our 1st baby EDD May 19. hindi madali pero lagi mo nalang icpn tuwing maguusap kau eh magkakampi kau hnid mgkalaban.. in that way makakapagplan kau how to work on things. and marami dn naman houses na mura ng monthly u just have to search online.kaya nyu yan basta magtulungan kaung magasawa.😊

Magbasa pa

Mommy, you're dealing with a teenager. You have to be the understanding one since you are older in age. And you have to remember na nakikitira lang din kayo sa bahay ng parents ni hubby. For your hubby naman, kung nasanay siya na sa bahay ng parents niya nakatira, mahihirapan siya mag-adjust especially if he haven't tried living on his own. But he can't live with his parents forever. No one is ready for everything, might as well tell him to risk it or habang buhay ninyong pag-awayan ang isang batang umaakto lang naman ng natural sa edad niya. Ang hubby ko kasi sanay siyang bumukod dahil naabutan ko siyang nangungupahan sa apartment and now we're staying with my parents and bubukod kami after ko maka-graduate.

Magbasa pa

i feel you hahah.. its not easy to live with parents., kapatid o kamag anak.. mas maganda talaga mag bukod kayo.. pero hindi rin talaga madali magbukod.. andyan iyong wala kang support team..i mean katulong utusan., kahit iyong makisuyo wala kang aasaan kundi sarili mo.. pero magandang foundation iyong nakaya nming wala sila asasabi nmin nakaya nmin bumuo ng sariling familya.. kaya kung gusto nyo po bumukod pagplanohan nyo po ng maigi.. hindi dahil nagkagalit lng o basta basta lng dapat kapag bumukod kayo open iyong mind nyo sa trials na ma meet nyo ending walang sisihan at matutong sulusyonan mga problema.. hindi lng ayosin.. magkaiba ang sulosyon sa pag ayos...di po ba..

Magbasa pa

Pregnant ako now, instead of living with my inlaws, si hubby ang tumira dito sa bahay ng parents ko. Sinabi ko sakanya na ayoko tumira sa bahay nila dahil malamang magka conflict lang kami ng parents nya, lalo na't di din ako ganun kagaling sa gawaing bahay. While si hubby, gabi lang naman siya nasa bahay after work, so hindi din siya madalas visible dito. Additionally, di ko pa kayang magalaga ng baby alone pag nasa work si hubby, so mas okay na andito muna ko sa bahay namin.😊 Compromise -- that's the key. Wag ipilit pag di pa kaya and think of alternatives instead.

Magbasa pa

mhirap talga pag hindi nakabukod..pero dpat magkaroon kayo ng maayos na communications...lalu na sa prob niyo ngayon... mag 1 on 1 talk kayo...katulad nung sinabi niya na hindi niyo pa kaya magbukod...try mo n sa parents mo nmn kyo.. para mafeel niya din ang pakiramdam mo... kasi first two months naming kasal nsa biyanan ko din kami... pero nagcompromise ako sa kanya na pag ako nagkawork.. magbubukod kami which is pumayag sya at nagkawork ako... nagwork ako kahit buntis ako pero kaya naman kasi magaan lang ang work ko.. ngayon lapit na kami mag 1yr na ngssarili at masaya :)

Magbasa pa
6y ago

but good thing kahit a little bit talkative ang biyanan ko... tahimik lang ako at syempre wala naman sila masbi s akin kasi im doing my best to help them.... kasundo ko naman sila so far :)

for me tiyagaan mo muna sis,saka na pag medyo lumaki na baby mo,wag mo nlng pansinin,focus ka muna sa baby mo ,tas ipon ka muna mahirap talaga pero after maybe 2 or 3yrs I guess thats the right time makabukod ka na,may kunting ipon .Sa ngayon baby pa kasi ,kaya kunting tiis pa. Wag na pansinin ang nakaka stressed ,kung ayaw kumilos pag carry mo or andiyan partner mo ikaw nlng ,para iwas hulo,tas ipon ka para incase may madudukot ka,ung ikaw lng may alam na may ipon Dont trust ,no One Sa panahon ngayon. .

Magbasa pa

ganyan kmi dti ni hubby nkipisan kmi sa magulang nia..mga impakta nmn ung 2 kapatid nia kasama na ung mama nia🤣🤣...pinilit qu xa bumukod sbi nia ndi pa daw nia kaya..ang ginawa qu pinamili qu xa...kung ako oh ung mga kapatid at mama nia...ayun aqu nmn ang pinili nia..kya sabi qu pag nagtulungan kmi makakaya nmin...sa awa nmn ng diyos naging matiwasay ang pagsasama nmin buhat nung bumukod kami....

Magbasa pa

one thing, bumukod, yun lang talaga ang sagot sa problem nyo. hindi kyo mgkakaron ng peace of mind at hindi rin kyo matututo tumayo sa sarili nyo kung nkaasa kyo sa iba like rent. kami nga ng asawa ko bumukod agad pgkapanganak ko, un una sinabi ng mama ko, 21yo ako, 23yo nmn asawa ko pro ngsurvive nman kmi on our own..kahit pa almost a year bago ngkaron ng gamit un nirentahan nmin bahay.

Magbasa pa
6y ago

aah ganun.. samen ksi si hubby lng my work eh goverment employee sya pero dpa sya min. 503 palang sahod nya aday 6k kinsenas katapusan sabi ko nga kakayanin namen kung gsto eh ksi kapag ayaw madaming dahilan kung gsto maraming paraan eh sad to say ayaw nya kaya madaming dahilan.

Mahirap talaga makisama sa kamaganak. Kung same naman kayo nagtratrabaho mahihirapan din kayo sino mag aalaga kay baby? Kung kukuha kayo ng Yaya gastos din yun. Kung si hubby lang nag wwork baka kaya nya sinasabi nya mag stay muna kayo kasi nga naman mahirap mangupahan tapos budget pa everyday. Kailangan po planuhin nyo wag po padalusdalos dahil nagagalit kayo sa sitwasyon.

Magbasa pa