kailangan ba talagang kalbuhin si baby?
1 year old na siya
tingin ko po mas okay na kalbuhin niyo..kasi lahat ng anak ko before manipis yung buhok tapos sobra taas ng hairline nung kinalbo ko po kumapal po compare sa pamangkin ko na never ginupitan..dry manipis hanggang dulo tsaka try niyo din yung johnsons baby shampoo dun po lumago buhok ng anak ko na babae mild lang po kasi yun perfect sa hair ng mga chikitings
Magbasa paYung iba kasi lalo na matatanda, sasabihin kalbuhin si baby lalo na pag girl para gumanda yung tubo ng buhok, esp pag kulot kulot. Hindi naman kalbong kalbo. Pero nasayo din yon mamsh. ☺️
Kapag tingin mo malakas ang hair fall at parang napapanot na ung baby mo kailangan kalbuhin kagaya sa pamangkin ko na 1 yr olad. Pero if wala naman problem sa hair ni baby. No need po.
From what I know kaya pinapakalbo ng ibang parents yung baby nila is para mas kumapal yung hair ni baby. It's still your choice kung ano ipapagupit kay baby 😊
Mag 2yrs old na ang li'l domina ko January next year pero hindi ko pa siya napagupitan. Pero 'un ung sabi nila, kalbuhin daw para kumapal. Mommy knows best. 😄
Sa mga anak ko, ginupitan lang ang buhok after bday.. kung okie naman ang tubo.. pero depende na rin po sa inyo..
Ako ung dalawang baby ko di kk naman pinakalbo. Depende naman sayo yan mommy kung gusto mo bang kalbuhin si baby.
No. Walang kinalbo sa pamilya namin pero maganda naman tubo ng mga buhok. Pamahiin lang yata yun
Hindi naman, ako sa baby girl ko pagdating niya ng 1 year old binawasan ko lang yung hair niya.
kung baby boy aus lang. pag baby girl wag na masagwa 😅 kakapal dn naman paglaki nian..