60 Minutes to Win It: Daily Challenge
Dahil ang saya-saya ng mga 60 Minutes to Win It challenges natin, from August 27-31 may bagong puwedeng salihan araw-araw! At siyempre, para mas masaya, mamimigay kami ng Tiny Buds products sa mga winners. Excited ka na ba? Basahin mo muna ang mechanics para alam mo kung ano ang gagawin: 1. Click "Participate" dito sa contest page: https://community.theasianparent.com/contest/60-minutes-to-win-it-daily-challenge/673?lng=en 2. Ito ang mga 60 Minutes to Win It challenges sa mga sumusunod na dates: AUGUST 27: MOST PHOTO LIKES Simulan ang pag-like ng pictures sa PHOTOBOOTH section sa August 27, 4:00-5:00 pm. Ang mayroong pinakamaraming photos na ma-like ang mananalo! AUGUST 28: MOST ANSWER LIKES Bilang pasasalamat na rin sa mga masipag sumagot sa mga tanong sa app, bakit hindi natin i-like ang mga helpful answers nila? Sa August 28, 4:00-5:00 pm, pumunta sa FEED at i-like ang mga answers sa mga tanong. Ang mga replies lang po ang counted at hindi ang questions. Ang pinakamaraming ma-like na answers ang winner sa challenge na ito! AUGUST 29: "GUSTO KONG MANALO" Gaano mo kagusto na manalo ng prize? Ipakita ito by commenting "Gusto kong manalo" as many times as you can sa OFFICIAL POST (under Announcement topic) na ipi-pin namin on August 29, 4:00-5:00 pm. Ang pinakamaraming comments ang magwawagi! AUGUST 30: MOST USERS FOLLOWED Sino-sino nga ba ang mga users dito sa app? Para lalo tayong magkakilala at maging close, i-follow natin ang fellow TAP parents natin! On August 30, 4:00-5:00 pm, pumunta sa PROFILE ng mga users na gusto mong mas makilala at i-click ang FOLLOW button. Ang contest participant na magfo-follow ng pinakamaraming users ang panalo! Tandaan: Hindi ito paramihan ng followers kundi paramihan ng users na you are following. AUGUST 31: "BAYAN BAGO SARILI" And last but not the least, dahil National Heroes Day, magandang alalahanin natin ang kanilang sakripisyo para sa ating bansa. Sa August 31, 4:00-5:00 pm, i-comment ang "Bayan bago sarili" as many times as you can sa OFFICIAL POST (under Announcement topic). Ang contest participant na may pinakamaraming comments ang winner! 3. You can choose na salihan lahat o salihan ang ilan lang sa challenges. Kung ano man ang salihan mo, ang importante ay dapat matapos mo ang challenges sa date and time na nakasulat lamang. 4. Ang winners ay mananalo ng Tiny Buds gift packs! Ready ka na ba? Aling challenge ang gusto mong salihan?
The Asian Parent PH - Head of Content | IG: @candiceventuranza