2174 responses

anniversary namin nung umuwe siya dito sinundo ko siya sa airport sinurprise ko siya ng I LOVE YOU na balloon sa hotel na pinagstayan namin tapos pagkababa ng gamit niya nagulat nalang ako bigla siyang lumuhod tapos at nagpopropose . ako pala ung masusurprise sa sobrang shock ko naiyak ako at napayes na ko . akala ko sa mga movie at kdrama lang may ganon meron din pala in real life . sobrang memorable 💛😌
Magbasa pasabi nga nila, expect the unexpected! wala p kming isang buwang mag bf/gf.. sa bhay lang nila kmi sa kwarto.. nood tv, usap lang, then bigla sya nagsabing "will you marry me?"🥰 that was 2005.. kinasal kmi ng december 2007.. 13 yrs n kmi this coming december 2020.. take note! wala pong ligawan n naganap samin kc ang katwiran nya, "love me now and I will court you forever!" aba'y totoo nga! 😅😅😅
Magbasa paThat was Valentine's Day and Ash Wednesday too. May pasok kaya nasa school ako. During recess time, tinawag ako ng co-teacher ko at piniringan ako sa mata tapos dinala ako sa classroom ng advisory class ko. Akala ko surprise ng mga students, then pag tanggal ng blind fold, nakita ko ang asawa ko na ngayon na nakaluhod sa harapan ko at may hawak na singsing. And that's it! 😍
Magbasa paNagAya po sya pumunta kami sa caleruega kasama mga friends..dko alam may plano pala sya magpropose nun..lumuhod sya sa harap ng altar at tinanong ako kung gusto ko nga daw magpakasal sa kanya..syempre ako nman c kilig,OO na agad..hehe..nagpropose sya nung jan 14 2019,and kinasal kami nung jan 16 2020..blessed parin kahit may pandemic ngayon kasi biniyayaan kami ng baby..😊
Magbasa paInaya niya ako ng date tapos may extra paalam sa parents ko. Nahalata kong magppropose siya kasi nauutal siya pagdating namin dun sa restaurant. Hindi makapagsalita ng diretso sa kaba nung kumakain kami HAHAHAHAHAHA Pero hindi ako kj, hinayaan ko lang siya. After wedding na namin ako nagsabi na nakakutob na ako nung araw na nagpropose siya... Kasi halata 😂🤪
Magbasa paSo eto nga, kala ko get together lang nen mag totropa kase may annual get together kame. Nagcelebrate kame nun sa Music21 sa Alabang. Wala ako kaIDEA na mangayayare na nun kase walang clue haha. So ayun nga habang nakanta ako, gulat ako nagbukas pinto ng room namen, sya pala may dalang mic with kasabwat na staff na may dalang paflowers. Ayun dun nagsimula hahaha
Magbasa pabakasyon sa iloilo, the 3rd day of stay nung mag island hoping kami sa gigantes😆doon na nilabas niya na ang singsing at nag ayang magpakasal,di pa niya alam kung luluhod ba xa. mejo failed surprise kase night before nakita ko ung singsing nung inaayos ko ang mga gamit namin na dadalhin.😆so alam ko na magpropose sya anytime nung bakasyon😆
Magbasa pahndi na ko nasurprise kasi graduating pa lang sya ng college alam na namin na kami na talaga, napag uusapan na namin magpakasal pero hndi agad2 sympre, ipon muna saka tulong sa family, 24 na ko sya naman 25 na nung nagsabi sya na mamamanhikan na sila.. ngayon 1year and 7 months na kaming kasal, may 8month old na din kaming baby girl🥰
Magbasa pa10th year anniversary namin, umattend ng bridal shower ng kawork niya, yun pla may surprise din saken ❤️ sa harap p ng napakaraming tao kasi lunch time 🤣🤣 not expected kasi usapan namin ika 12th year namin p kami ikakasal so 11th year p ko ngeexpect ng proposal 🤣 ngumawa lang ako then yes agad 🤣
Magbasa pa
2x na sya nag propose kaya 2 engagement ring ko. 😅 Pero yung 2nd ang mas tumatak sakin. Kase na surprise talaga ko. Sa harap pa ng parents ko at dalawang girls namin. Yung una kase puro na sya parinig na wag daw ako mag No kaya medyo may idea na ko. Magkaibang year pero same ng date. ❤️



