Nasurpresa ka ba nang mag-propose ang asawa mo?
Nasurpresa ka ba nang mag-propose ang asawa mo?
Voice your Opinion
Oo (Ikuwento kung paano siya nag-propose sa comments!)
Hindi gaano

2174 responses

101 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sya ang na surprised kase ako nag propose pano.. Ganito kase yun 2years qko sa qatar but before ako umalis sinabi ko sa kanya kong tayo tayo talaga kong makakahintay ka sakin pag uwi ko pakakasalan kita basta alagaan mo lang mga anak natin yes 2 na baby namin nung umalis ako 4years boy at 3months gurl. Aug 2016 ako umalis so expected nila aug 2018 uwi ko but noh sinabi ko sa asawa ko 1year extension ako Omuki naman sya para naman sa future namin every month nagpapadala ako 20k para sa bahqy at pangangailangan nila tas yon tura sinave ko. Time na nang uwi ko that was aug 28 wala ni isa sa pamilya ko nkakaalm na uuwi na ako nasa manila na ako sep 2 2018 pero di pa ako umuwi ng dipolog nag set ako kinusap ko kumare ko na e surprised ko asawa ko nag book sila ng kainan (chiken atiatihan dipolog) kunwari may kainan sila mga kumaret kumpare namin kasama famiky ko kase bday kuna sep 6 tas e vevediocall kamo ako. Tas yon dumating na ako ng dipolog sep 5 nag hotel muna ako nuh kasi pagud char . Kinabukasan senet na nila lahat habang kumakain sila sekreto naman akong tumawag sa asawa ko sabi ko nag off akonkaya nilanako na contact tas un usap2 kami kinantahqn pa nila ako ng patyin ko ang camera ko nasa likod na akong ng asawa ko at mga anak habang naka luhod sabay kalawit sa likod niya at don ko sya tinanong kong papakasal ba sya sa akin( mix emotion) inakap ako ng asawa ko na subrang higpit tas nag sigawan na mga tao sa paligid namin syepmre oo sagot nya nuh ikaw ba naman bigyan ng white gold na engagement ring panlalaki hahahhaha aba aba tas don walang tigil na iyak nya hababg akap2 ako hehe after a month nagpakasal kami civil... Babae po ako at ako nag propose sa asawa ko 10years napo kami and counting mag tatatlo na baby nami nxt month ipapanganak kuma pangatlo namin na baby boy ulit... First baby namin boy 8years old tas pangalawa girl 5years old.. happy and contented naman kami....

Magbasa pa
Post reply image

Nagpropose sya sakin August 2, 2018 sa favorite place namin sa tagaytay 💓 niyaya nya lang ako magroadtrip to tagaytay tapos nagpunta na kami sa skyranch since mahilig kami sumakay sa mga rides at sa amusement parks 😁 tapos after nun he invited me to have a dinner sabi nya para maiba naman daw sa restaurant kami kakain 😁 excited ako tapos ayun nagdrive na sya papunta sa resto na sinasabi nya when we get there sabi ko bakit parang kakaiba parang garden tapos kami lang tao then sabi nya nagpareserve daw talaga sya dun. Then pumasok na ko sa loob ng parang garden then my classical music at may table na nakaset up ang ganda ng lights, flower at ng halaman pati ang kapaligiran ang sarap ng feeling at amoy dun fresh na fresh 🙂 btw sa Sonias Garden yun sa tagaytay 😁 legit ang foods nila dun lahat fresh as in 😁 tapos nung kumakain na kami biglang my paandar si hubby ko na naiwan daw nya nakabukas ang kotse so sabi ko sge na punta ka na sa parking baka manakaw mga gamit natin dun tapos kapag balik nya may dala syang flower tapos nakita ko na lang sa mga mata nya na patang naiiyak sya tapos mukang kinakabahan then all of a sudden bigla na lang lumuhod sa tabi ko then ayun na may singsing na sya na pinakita sakin then he ask me na "will you marry me yhubx.cu?" 😍🥰 then I answered "oo naman syempre" tapos ayun na sinuot na nya ang singsing sakin tapos niyakap na nya ko 😁🥰😍❤ that moment is so precious and amazing super 😁

Magbasa pa
Post reply image

Wahahhaha . Actually 2 yrs ago na nung nagpropose sya . Dapat Apr kasal na namin. March kmi dapat mag aayos ng mga papeles kaso nagkapandemic kaya hanggang ngaun nganga😅 ... IT WAS EPIC .. Sobrang nakakatawa .. He made a set up sa kusina nila . Favorite place ko ksi ung kusina nila lalo at sobrang foody ko and super sarap dn nyang magluto , perfect for my taste . Di ko alam anong naisip nya bat nya inilagay sa kanin ung singsing🤣🤣🤣 Buti nlang may plastik .. Sobrang busy ko nung kumakain ako then pinag uusapan namin ung kung panu kmi ngkakilala .. Tapos una kong nakita ung plastik sabi ko pa "HALA! BAT MAY PLASTIK DTO?" Pag angat ko may singsing . Nasira ko ung moment ksi natawa ako. Tumawa dn naman sya .. Natouched pdn naman ako kasi alam ko na never nyang gnawa ung ganun para sa ibang babae . Una palang alam ko na espesyal na ung trato nya sakin , espesyal kesa sa naging trato nya sa lahat ng naging ex nya . Nung nakilala ko sya lahat ng bisyo alam nya . Lapitin dn sya ng chicks dahil gwapo sya at kwela .. Pero binago nya lahat . Dahilan nya AYAW NYA AKONG SAKTAN . AT AYAW NYANG MAKITA AKONG UMIIYAK NANG DAHIL SA KANYA.

Magbasa pa
VIP Member

Magkasama lang kami that time sa Mercury Drug (bumibili ng gamot pang senior).. tapos may need ako bilhin sa Puregold.. ayaw nia ako samahan.. usually naman lagi nia ako sinasamahan.. pagod na daw sya kalalakad saka may aircon daw malamig ayaw nia umalis..🤣 so okay lang.. hinayaan ko.. nung nasa Cashier na ako ng Puregld.. nagnotif sa FB ko na nagpost sya.. about proposal.. sumagot daw ako ng YES.. so nagcomment ako ng YES.. hahaha.. 🥰🥰🥰🥰 hindi na ako makafocus sa cashier non.. pinagpawisan na ako ng malamig.. 🤣🤣 tapos nung nagkita ulit kami parang wala lang.. so inisip ko.. baka paepal lang nia sa social media.. hahaha.. pero nung nakauwi na kami sa bahay namin.. kinuha na nia ung regalo sa bag nia.. malaking box.. kaya pala ang tambok ng bag nia..🤣🤣🤣 at hayon.. pinaopen nia sakin.. malaking box.. may mga chocolate.. then may maliit na box sa loob.. nandun ung box na may lamang engagement ring.. awuuuut!!!! may nakasulat "Will you marry me?" naloka ako.. 🥰🥰🥰🥰 iyakan portion.. hug then kiss..hahah.. #YES!!!

Magbasa pa
Post reply image

#actually wala sa plano namin mag asawa monah kasi unahin mona yung future namin...mas matanda ako ng 7 years sa asawa koh 21 sya ako 28 na.our first date sa moa..die naman romantic but in simple way napasaya ako....saka die lang araw yun date namin pag my time psyal kami kahit saan .😍then nung august 21 2019 yung araw na umalis ako papuntang Singapore para mag work..bilang dh..but 6 months na sana sa Sg nagkaroon ako ng problema ng decide ako umuwi...hehe nung bumisita sya sa bahay die naj nakauwi naabutan ng lockdown untel 2moths sya ng stay...nakabuo nakami at mag 4 months na tyan ko and..coming 1 year aming pag iibigan this august 14.. im so blessed..kahit maraming pagsubok pero we still fighting and strong..

Magbasa pa
Post reply image
VIP Member

We are just celebrating our 11th yr anniversary together. After 6 yrs kasi nagkasama kami ulit sa anniv namin. Seaman kasi siya. Highschool sweethearts kami, btw. 3rd yr hs kami na. Haha. Nasa Tagaytay kami. If alam niyo ung Sungay road sa may Talisay, sa may tapat isang subdivision don na overlooking sa Taal Volcano, dun siya sa part na un nagproposed. Usual picture together namin. Nabigla na lang ako nandun family and friends pagbaba ko ng car with matching "Ikaw at Ako" as BG music. Super unexpected talaga. Hindi ko inasahan kasi may plano na kami talagang pakasal non. Nagtraffic pa kasi may banner pa si jowaers. 😂 Un lang. Haha!

Magbasa pa
Super Mum

Nagbabalak na kaming magpakasal.. Pero di ko ineexpect na magpropropose na siya sa akin sa araw na yun😁monthsary kasi namin nun at balak lang namin magrelax😊 atsaka binigyan niya ko ng singsing galing sa vault ng lolo niya (gold smith si lolo niya, si mommy niya pumili nung singsing) kaso hindi kasya sa akin.. Kaya nagpagawa pa siya.. Nagpatulong naman siya sa daddy niya😊❤️ ngayon narerealize ko.. Super swerte ko sa husband ko kasi ininvolve niya talaga family niya sa pagpropose niya sa akin.. Nung nabigay na niya yung singsing sa akin.. Tsaka siya nag sabi sa mama ko na magpapakasal na kami😁

Magbasa pa
Post reply image

Nagugulat nalang ako nung bumisita siya sa amin na mamanhikan na siya next week😍 akala ko kasi pagkatapos ng pandemic o maluwag2 na ang sitwasyon😂Ok naman parents ko kasi nasa tamang edad na kaming dalawa😂😂😂 at saka apurado ung parenst ko, relatives at friends ko kung kailan ako maikasal😂 malapit na raw kasi akong lumampas sa kalendaryo(edad ko) at jowa ko naman lagpas na nga eh😂. Kaya kinasal ako sa kasagsagan ng pandemic😂😍 kaya almost 30k lang nagastos namin kasi nakatipid😂at kaming dalawa mismo ang nag.asekaso ng lahat😂😍. Sulit ung pagod at nag.eenjoy kami😍.

Magbasa pa

9 years na kami. Since 2011. Last nov. 2019 lang siya nag propose. Travel namin nun pa sagada. Unexpected siya kasi every year naman talaga my mga pinupuntahan kame with friends. Aha. Umakyat kami ng marlboro hills sa sagada. Then nag seselfie kami na background yung ulap. Kasi nasa tuktuk na kame. Then. Dun niya pinakita yung ring nung nag seselfie na. Pag tingin ko sa gawi niya. Bumungad na sa akin yung ring. 😅 ayun na. Saktong sunrise nun. 😊 now. Married na kme. And preggy na ako.

Magbasa pa

Hindi pa kami kasal kasi di naman ata sa sure sa akin tska alam ko mas mahal pa talaga niya yung kabit niya pero ano magagawa ko di ba? Sabi Niya nung time na niloko nanaman niya ako sabi niya papakasalan kita kapag tapos ng bday ng anak natin Nov 11 bday ng anak namin March na mag April na 😅 sana ols di ba? Sana makahanap ako ng totoong mag mamahal sa akin at mag aalaga 😊 congrats to all moms na ikinasal na swerte kayo 💍👰♥️

Magbasa pa