4889 responses
Dependa sa sitwasyon. Ako kasi nagbibigay lang sa mother ko occasionally, minsan as bday gift minsan naman gusto ko lang kasi naman stable po ang mother ko. Dito ako proud na proud s kanya kasi kahit single parent siya napalaki nya ako ng maayos at nakapag pundar sya ng para sa future nya para pagdating ng retirement hindi daw sya umasa sakin. Sa case naman ni hubby bago kami nagpakasal ay nagplano kami para sa pamilya naman nya (father and younger brother). Sa dami kasi nilang magkakapatid, hubby ko lang nakaisip na bigyan ng bahay father nya. Halos lahat ng mga kapatid nya kasi nagsipag asawa na at pinabayaan father nila. Nung napunta sa hubby ko main na obligasyon sabi ko bakit d natin turuan na tumayo sa sarili nilang paa ang pamilya nya sa halip umasa lang lalo na ung bunso nila para matuto din sa buhay. Kasi kami bago namin narating ung buhay namin ngayon ay ang dami muna naming hirap na pinagdaanan. kaya yun pinagworking student namin para maranasa nya importance ng bawat kusing lalo na kapag pinagbanatan nya ng buto, hindi kasi pwede yung basta na lang hihingi. Ngayon may work na sya at siya na rin nagbabayad ng bills ng bahay nila. Kami naman ni hubby d na nagbibigay ng sustento matapos silang makalipat sa bahay na bigay namin sa kanila (kahit d kalakihan ang importante may matatawag silang sariling bahay at d na need magpalipat lipat sa poder ng mga anak niya ung father nila). Fully furnished na dn un pati gamit meron na para d na sila bumili. Kahit d naman kami ganun ka alwan sa buhay ay nagsumikap hubby ko kahit simpleng paraan lang maging maayos yung pamilya nya kasi ayaw nyang gayahin mga kapatid nya at un din ayaw nyang gayahin ng bunso nila sa future. nxt goal namin is business para sa family nya para yung father nya may sariling pinagkakakitaan. d pa lang kami maka-go kasi malapit na ako manganak at busy pa. One at a time muna. Ang mahalaga nakakausad. yung prinsipyo namin sa family is ayaw naming sundan mga pagkakamali ng mga pamilya namin dahil ang kawawa ang mga anak namin. Ang pagsusutento po kasi ay di dapat iasa o umasa sa mga anak kasi nga pano kung hindi naman kaya? At sana po sa mga anak bago kayo magpamilya ay isipin po muna natin kung yung iiwan nating pamilya ay ayos lang ba kalagayan. Kaya as future parents ngayon pa lang magpundar na po tayo para sa future natin para pagdating ng araw ay di naman po natin iasa sa mga anak natin ang mga pangagailangan lalo na kung pamilyado na mga ito. Kawawa naman po kasi sila kahit d na magkandaugaga sa pagbalanse ng sarili nilang pamilya at ng pamilyang umaasa pa sa kanila ay todo pa rin kayod wala lang masabi mga magulang nila sa kanila. Ayaw n namin mangyari ito sa future ng mga anak namin kaya ngayon pa lang nagpundar na kami para sa future naming mag asawa at para na rin sa future ng aming mga anak soon. Ang pagpplano po talaga sa pagpapamilya ay mahalaga para d na po paulit ulit lang ang sistema. Wag na po natin ipamana ang kahirapan sa ating mga anak. tama nang sa atin pa lang maputol na.
Magbasa paDepende sa situation. Basta hindi kami ang mashoshort no problem, kung may EXTRA na cash din. At kung emergency naman. Kasi lahat naman sila magkakapatid may kanya kanya ng family and bunso si hubby. Family comes first, yan lagi kong sinasabi sakanya. Kami muna bago sila. Kasi parents ko naman kahit may mga stable work kami before ng ate ko na may family na din and ung bunso namin nag aaral pa, never nanghingi samin. Sila pa nagbibigay palagi 😅 kaya walang masasabi si hubby sa parents ko. Kaya depende talaga palagi 😊 if nakakapagbigay man palagi si hubby, tapos kami nawawalan ng mga anak niya, ibang usapan na yun.
Magbasa paDepende naman kung may extra. Ang kaso like sa byenan ko kapag kulang ung nabibigay ng asawa ko (syempre mageexplain ung asawa bkt ganun lng mabibigay nya) sasabihin nya kinukwentahan na daw sya ng asawa ko. E sa gipit din kame lalo na ngaun lockdown. Ni hindi panga sapat ung ipon namin ng pang binyag ng anak namin. Pero ok lng basta may maiabot kame kht konting tulong. Kada hihingi sya ng pera ngbibigay naman kame kht nithank you wala manlng kame naririnig. Nasanay kc sya nung binata pa anak nya bigay lng ng bigay anak nya. E ngaun iba na may sarili ng pamilya anak nya
Magbasa paDepende kung wlang natatanggap na benefits ang magulang nya,kunwari benefit nya sa sss etc.ang mgbgay nmn sa magulang eh pede nmn iguro kpag nkakaluwag para sa akin opinyon..dhil ang byanan ko di nghihingi at dirin ngpapaobliga ng sustento sa asawaq..kasi may natatanggap na benefits..sa pensyon nya..kung wla nmn..pagtulungan ng mga kapatid ng asawa mo ang mga kailangan nya pangkain gamot.vitamins mga ganun po..
Magbasa paSa sitwasyon ko kahit na May anak na kmi ng Asawako hndi niya pa rin tinitigil ang sustento sa magulang niya at pinag aaral pa niya ang kapatid niya, para sakin maswerte ako na nakatagpo ng Asawa katulad ng Asawako dahil di nya pinababayaan ang magulang at Kaptid nya Lalong lalo kmi ng Anak nmin hindi nya kmi pinababayaan kahit na sinusustentuhan nya ang magulang ny😀
Magbasa paDepende kung para sa magulang lang at walang bisyo ang magulang. Sa side ko kasi napakamapagbigay ni hubby sa magulang nya ang problema napupunta sa pag iinom at paggamit ng 😞. Ang malupit pa dun may cancer na nagagawa pa magbisyo. Napakaswerte nya sa anak nya kung tutuusin. 😞
Oo, kung kailangan at may extra. HAHA ako kasi nag susustento pa rin and full support naman partner ko dun. Super lucky na hindi problema sa side ng partner ko ang pera. Minsan nga dun pa kami nakikikain kapag tinatamad ako magluto~ buti na lang talaga mabait Parents niya ❤️
Mas ok pa din yung nagbibigay sa parents kahit may family ka na. Obligasyon mo pa rin naman yun kasi kung hindi na nila kaya magtrabaho, anak lang naman ang pwedeng tumulong sa kanila. Kaya sa ibang mommys dito, kung nagbibigay pa mga asawa niyo ok lang yan, magulang nila yan.
If kaya naman yes, pero kung wala at sakto labg okay lang naman naiintindihan. Pero nung nagwork ako lagi ko sila inaabutan pero mula ng mag stay nalang ako sa mga babies ko medyo nabawasan na, kapag nalang need nila. May sarili din naman kasi silang bussiness.
Depende kung may extra. Yung sa magulang kasi ng asawa ko kahit gipit na gipit na kami kelangan magbigay pa din sya. Lagi sya nagbibigay pambayad ng upa tapos di naman binabayad, tapos pag may pera sila ubos ubos biyaya sila kaya nakakainis din minsan.