Okey lang ba na magbigay pa rin ng sustento ang asawa mo sa kaniyang magulang?
Okey lang ba na magbigay pa rin ng sustento ang asawa mo sa kaniyang magulang?
Voice your Opinion
Oo
Depende... (Ipaliwanag sa comments)
Hindi

4899 responses

164 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Dependa sa sitwasyon. Ako kasi nagbibigay lang sa mother ko occasionally, minsan as bday gift minsan naman gusto ko lang kasi naman stable po ang mother ko. Dito ako proud na proud s kanya kasi kahit single parent siya napalaki nya ako ng maayos at nakapag pundar sya ng para sa future nya para pagdating ng retirement hindi daw sya umasa sakin. Sa case naman ni hubby bago kami nagpakasal ay nagplano kami para sa pamilya naman nya (father and younger brother). Sa dami kasi nilang magkakapatid, hubby ko lang nakaisip na bigyan ng bahay father nya. Halos lahat ng mga kapatid nya kasi nagsipag asawa na at pinabayaan father nila. Nung napunta sa hubby ko main na obligasyon sabi ko bakit d natin turuan na tumayo sa sarili nilang paa ang pamilya nya sa halip umasa lang lalo na ung bunso nila para matuto din sa buhay. Kasi kami bago namin narating ung buhay namin ngayon ay ang dami muna naming hirap na pinagdaanan. kaya yun pinagworking student namin para maranasa nya importance ng bawat kusing lalo na kapag pinagbanatan nya ng buto, hindi kasi pwede yung basta na lang hihingi. Ngayon may work na sya at siya na rin nagbabayad ng bills ng bahay nila. Kami naman ni hubby d na nagbibigay ng sustento matapos silang makalipat sa bahay na bigay namin sa kanila (kahit d kalakihan ang importante may matatawag silang sariling bahay at d na need magpalipat lipat sa poder ng mga anak niya ung father nila). Fully furnished na dn un pati gamit meron na para d na sila bumili. Kahit d naman kami ganun ka alwan sa buhay ay nagsumikap hubby ko kahit simpleng paraan lang maging maayos yung pamilya nya kasi ayaw nyang gayahin mga kapatid nya at un din ayaw nyang gayahin ng bunso nila sa future. nxt goal namin is business para sa family nya para yung father nya may sariling pinagkakakitaan. d pa lang kami maka-go kasi malapit na ako manganak at busy pa. One at a time muna. Ang mahalaga nakakausad. yung prinsipyo namin sa family is ayaw naming sundan mga pagkakamali ng mga pamilya namin dahil ang kawawa ang mga anak namin. Ang pagsusutento po kasi ay di dapat iasa o umasa sa mga anak kasi nga pano kung hindi naman kaya? At sana po sa mga anak bago kayo magpamilya ay isipin po muna natin kung yung iiwan nating pamilya ay ayos lang ba kalagayan. Kaya as future parents ngayon pa lang magpundar na po tayo para sa future natin para pagdating ng araw ay di naman po natin iasa sa mga anak natin ang mga pangagailangan lalo na kung pamilyado na mga ito. Kawawa naman po kasi sila kahit d na magkandaugaga sa pagbalanse ng sarili nilang pamilya at ng pamilyang umaasa pa sa kanila ay todo pa rin kayod wala lang masabi mga magulang nila sa kanila. Ayaw n namin mangyari ito sa future ng mga anak namin kaya ngayon pa lang nagpundar na kami para sa future naming mag asawa at para na rin sa future ng aming mga anak soon. Ang pagpplano po talaga sa pagpapamilya ay mahalaga para d na po paulit ulit lang ang sistema. Wag na po natin ipamana ang kahirapan sa ating mga anak. tama nang sa atin pa lang maputol na.

Magbasa pa