4559 responses
Hindi ko naman naisip na hanapin sa isang lalaki ang qualities nang mahihing anak ko. When I met my husband tsaka lang ako magkaroon nang gustong qualities sa mahihing anak ko/namin. Siguro when you found the one, tsaka ka lang magkakaroon nang perception about family? Hehe.
pinakilala lang sakin ng classmate ko noong college pa ko ang naging asawa ko, turning 10 years kami bago ikinasal at thankful ako kay God dahil never akong nagkaproblem sa asawa ko, dahil wala siyang bisyo, may takot sa Diyos at mapagmahal na anak. 😇
Hindi. Napakababaero ng Papa ko. Iniwan kami at nagsama sila ng kabit nya. Tas nasa kanya na lahat ng masamang bisyo sa mundo. I'm thankful na God blessed me with a man na hindi katulad nya. My husband is the complete opposite. 😊
Sobrang pasensiyo kasi ang tatay ko, sobrang tahimik kapag nagaaway sila di nga sumasagot 😂 pero kapag na agrabyado mga anak niya pinaglalaban niya and Im so thankful na parehas sila ng kataingian ng asawa ko!😊
Ako hindi ko hinahanap, kasi I don't want to find a man na lolokohin at pababayaan lang kaming pamilya nya, just like what my father did to us. I am looking for a man na hindi katulad ng ama ko
I vote for disagree because I grew up na hindi ko na meet ang father ko. He left when I was 3 days old. And I dont bother na hanapin siya since na fill in ng mother ko lahat ng needs ko.
Ayoko sa lalaking sugarol at lasenggero, di nga ganun ang napangasawa ko pero me mga flaws din siya na hindi nga lang katulad ng sa father ko and thankfully hindi naman siya babaero.
yes, lalo na kung close sila ng tatay nila, at maganda ang ipinakitang ugali ,, ganun din hahanapin mo sa magiging asawa mo. Tulad ng asawa ko ngayon halos similar sa father ko ☺
depende kc hndi nman lhat ng tatay or padre de pamilya ay responsable. and never qu rn pinangarap ung tulad ng father quh😂 mabisyo kc xia nung araw. and lage kmi magkaaway.
Dipende naman sa ugali e Basta responsable sa pamilya Yun Ang mahalaga kahit na may mga di magandang gawaiin Basta di pinababayaan Ang pamilya