Ang sabi nila, hinahanap daw ng mga babae ang qualities ng kanilang ama sa mapapangasawa nila. Agree or disagree?
Ang sabi nila, hinahanap daw ng mga babae ang qualities ng kanilang ama sa mapapangasawa nila. Agree or disagree?
Voice your Opinion
Agree
Disagree
Depende... (Ipaliwanag ang iyong sagot)

4559 responses

59 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

disagree ako dyan,hinahanap ko is yung kabaliktaran lahat ng papa ko, d naman sa may galit ako sa papa ko,pero kc maaga namatay mama ko I was 3 yrs old lng,and inaakala ko na aalagaan kmi ni papa,but sad to say nalulung sa masamang bisyo papa ko which is nalaman ko later on na binalikan nya lang pala dating bisyo nya before, and lumaki kaming magkapatid sa mga kamag anak,and appreciate ko naman mga kamag anak ko pero syempre iba parin kc mas favor parin nila anak nila,kung d pa ako kinuha ng lola ko d ko ma experience mabilhan mg bagong gamit,lagi lang kc kami mag kapatid taga salo ng luma kaya never kami nabilhan ng bago 😔😔 kaya kabaliktaran ng papa ko ang hubby ko,umiinom sya pero hanggang 2 bottles lang,indi sya naninigarilyo at may magandang trabaho 😊 at higit sa lahat ako ang priority nya at ang magiging baby namin

Magbasa pa

i'm not sure. kasi highschool or college pa lang ako, i already told myself na hindi ako mag aasawa ng katulad ng father ko. my father is a good father (caring pag may sakit kmi or kapag wala si mama) pero he is a serious type (we don't talk much), naninigarilyo, lasinggero (madalas lasing pag gabi noon), not a good provider (palibhasa hnd nakatapos ng highschool si papa, walang maayos na trabaho but we still eat 3 times a day). and so my husband is my father's opposite (i prayed for my husband 🙂). my husband always makes me laugh, walang bisyo, my maayos na trabaho, makes me feel loved. 🙂

Magbasa pa

Depende yan. In my case syempre di ko gustong ang maging asawa ko e kagaya ng daddy ko na babaero at iresponsable. Lumaki nga ako without him e dahil ayaw nya panagutan nanay ko. May pinakasalan cya at nagkaanak sila ng 2 pero iniwan din nya. Kung sino sinong babae ang kinalantaryo. Pabigat sa mga kapatid nya until his death. Kaya laking pasasalamat ko sa Diyos dahil binigyan nya ako ng asawa na malayong malayo sa ugali ng tatay ko.

Magbasa pa

Skl,lahat naman yata tayo may mga "ideal man".Ang iba satin gusto ng matangkad na guwapo maputi,mabait,at lahat ng katangiang magugustuhan ng isang babae nasa ideal man mo na yun.Pero magbabago lahat yun once na nakilala mo na yung taong nagpapasaya sayo,di man na-meet yung expectations mo sa isang lalaki,di mo na iisipin yun kasi masaya ka sa taong yun and the very important thing is mahal nyo ang isat-isa hehe.Opinion ko lang po😅

Magbasa pa

No. Hindi role model ang father ko. Tamad sya, lasinggero, at nambubugbog. Hindi nya kame pinag aral, walang pake kung gutom kame nung mga bata pa kame. Hindi gumagawa ng paraan samantalang nanay ko nagpaka katulong para may maipakain lang samin. Hindi sya hiniwalayan ng nanay ko dahil saming mga anak kahit wala syang kwenta ama. Payo ng mother ko samen, "wag humanap ng asawang tulad ng ama nyo."

Magbasa pa
VIP Member

hinahanap ko yung katulad ng tatay ko n magaling mag desiplina sa mga anak. yung katulad ng tatay ko n pag naka inom matutulog na lang hndi yung mag bubunganga yung katulad ng tatay ko na marunong mag ipon. kaso ang asawa ko kabaliktaran ng tatay ko🤣 pero pareho silang responsible father yun lang ang pagkaka pareho nila.

Magbasa pa

Depende.kasi katulad ako,babaero tatay ko.syempre naghahanap ako ng hindi babaero at immature.kung ano yung nakita kong hindi maganda na ugali ni papa sa relationship nila ni mama,yun ang tinatak ko sa isip ko na inisip ko,"hindi ako maghahanap ng katulad ng ganun" at naging maingat ako.

Not all. Medyo marami akong nakitang bad qualities ng father ko na pinangako ko sa self kong yung opposite lang nun yung hahanapin ko sa guy at magiging future husband ko. Blessed that God heard my prayers. He gave me the most loving, hard-working and understanding guy. ♥️

Some may agree, some may not. Pero sa case ko, I told myself when I get married, gusto ko same attitude sa daddy ko. And yes, I married the man that I prayed for. Kaya lang sobrang bait din gaya ng tatay ko, kaya naloloko ng mga tao sa paligid niya esp. sa pera hays.

VIP Member

Never ko nameet biological father ko. Mahilig daw yun maginom sabi ng mama ko kaya hiniwalayan nya, mas nauuna pa daw kase alak kesa sa kakainin ni mama noong ipinagbubuntis nya palang ako. Kaya siguro kapag gabi-gabi umiinom asawa ko, galit na galit ako sa kanya. Hehe