Dinadala ba ni hubby ang hand/shoulder bag mo kapag lumalabas kayo?
Dinadala ba ni hubby ang hand/shoulder bag mo kapag lumalabas kayo?
Voice your Opinion
Oo, gusto niya
Hindi, ayoko ipadala sa kanya
Depende (ilagay sa comments ang sagot)

5317 responses

111 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Well I don't use hand/shoulder bags. Backpack lang. So pag mabigat ang backpack ko like may dalang laptop and other stuff because work, you know, dadalin nya. Pag magaan ang bag nya palit kami. Pag medyo mabigat din ung kanya dadalin nya pareho 😁

VIP Member

we both have a baby each, sa kanya si kuya at sa akin si ading. nakastroller sila pareho kaya ung strollers ang nagdadala ng mga bags namin. pero most of the time, hindi ako nagdadala ng bulky bag. just my wallet and phone minsan.

Depende. Minsan gusto kong ako mismo nagdadala kapag hindi naman mabigat. Salitan naman kami kapag kasama namin c baby. Kung ako kakarga kay baby ay kinukuha niya ang bag ko, and vice versa.

Depende pag nakikita na kung nabibigatan ...pero dati nung magsyota kami pa gentleman laging binubuhat... nung napangasawa kuna wala na ako pa magsasabi na pabuhat ...not consistent 🙁

Depende noong hindi pa ako buntis ayaw nya kasi di daw siya bakla, tapos nung nagbuntis na ako kusa na nyang dinadala ang bag ko.. siguro feel nya ang bigat ng dinadala ko.. ahaha

TapFluencer

Depende sa sitwasyon. pagbitbit ko si bby, sya taga bitbit nang bag ko pero kung wala naman akon bitbit hindi ko pina bibitbit sa kanya. pero kung mabigat bag binibitbit nya 😁

no kasi bag ko yun..haha.. kung grocery yun oo sya kumukusa. .pero alam nya na hnd ako mahilig magpabitbit ng bag, tsaka hindi bagay sa lalake na bitbit ang bag ng babae.

TapFluencer

Oo gusto nya sya magdala pero ako ayoko. Depende din minsan sa sitwasyon, pag mabigat, pumapayag ako. Pero kung kaya ko naman di ko talaga pinapayagan

Kinukuha nya pag alam nyang mabigat bag ko. Pero pag pasyal pasyal lang ayoko sya pag buhatin. Saka kasama sa porma ko ung bag ko. Hehe

VIP Member

naalala ko nung college days or pag umaalis kmi gsto nya lagi dinadala ung bag ko. ako nmn ayaw ko kc gsto ko may bitbit na bag 😅