shara abenoja profile icon
GoldGold

shara abenoja, Philippines

Contributor

About shara abenoja

powermom

My Orders
Posts(10)
Replies(33)
Articles(0)

Best smells in the whole world!

Just wanna share with you our story.. EDD: June 25, 2020 DOB: July 2, 2020 Meet my little feet.. SHEMAIAH Sobrang worried na ako last June 25 since no sign of labour Pa rin and due ko na. So kino contact ko OB ko.. Nag IE kami, 1 cm pa daw.. Hanggang sa mag June 28, wala Pa din.. Takot na ako talaga.. Kung anu-ano na naisip ko.. June 29, nag IE ulit kami ng OB ko 3cm na.. Medyo kumalma na ako pero andun Pa rin ang worry.. Hanggang mag june 30 may bloody show na.. Natuwa na kinakabahan na excited ang feeling ko.. Kinontak ko uli OB ko sabi nya admit na Daw.. Nang mag IE kami around 11:00pm 3cm pa. Andun bumalik na naman kaba ko.. Pero admitted na ako. Dun na ako sa. Labour room.. Nakadagdag Pa ng kaba.. Ako lng dun.. Kasi bawal c husband sa loob. Hanggang sa mag june 1.. 3cm Pa din.. Worried na din OB ko.. Yon tinusukan na ako ng pang pa induce.. Medyo na feel ko na ang sakit.. Around 10:00 pm pag IE 7cm na at masakit na talaga... Then around 11pm ng 9cm na.. Natuwa na natatakot at kinakabahan na ako pero andun Pa rin ang excitement.. Around 11:30pm nagsabi na ako na doc parang may lalabas na. Panay ere ko sa sakit.. Pinasok na ako sa delivery room.. Hanggang sa namalayan ko nlng na kinakabitan na ako ng oxygen.. Pareho bumaba heartbeat namin ni baby.. Ang hirap umire pag naka oxygen.. 30mins sobra nang pag ere at push.. Medyo tumaas na boses nang OB ko.. Sabi nya last ere Mo na to pag di ko Pa nailabas si baby E CS daw ako.. Kasi nanganganib buhay namin.. Nag 80bpm c baby. Sobrang baba na. Tapos ako lupaypay na. Wala na ako iba naisip mga moms.. Sabi ko.. Ito na.. Para sa baby ko.. Kahit di para sa akin. Basta mabuhay lang baby ko.. Tinodo ko na ang ere........................... Wala na akong makita at naririnig.. Dumilim na paligid ko.. Hanggang sa makarinig ako ng iyak ni baby.. Nasabi ko.. July 2, 2020 @12:21am oras na Nabuhay ako uli.. Hehehe. Praise the Lord.. Nakaraos ako... Via Normal delivery.. Sobrang strong din ng baby ko.. Hindi niya hinayaan manganib buhay ko.. Sa OB ko rin na kinakabahan ng todo.. Pero nanindigan at naniniwala. Na makakaya namin.. Sobrang thankful ako.. Sa mga mommies na di Pa nakaraos.. Kayang kaya niyo yan.. Pray lng at tiwala sa sarili at kay baby.. GOD BLESS po..

Read more
Best smells in the whole world!
 profile icon
Write a reply