Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
38 Weeks And 5 Days
Hello mga momshies. So ayun po malapit na akong manganak, I think. Kada galaw na ni baby nararamdaman ko na sya sa may puson ko papunta sa private area ko. Medyo masakit, pero tolerable naman. Last Saturday nagpaIE ako sabi ng OB ko close pa yun cervix ko. Gusto ko na manganak, naiinip na ako. Hahahaha! Ano po pwede gawin para mag open na yun cervix? Naglalakad-lakad na din ako at squats. Tapos parang ngayon ko nararamdaman na nasusuka ako. During may 1st 2 trimesters wala ko naramdaman na ganun. Ngayon lang malapit na ko manganak. Haha! Normal ba yun?
Baguio Mommies
Hello po. Ask ko lang, may mga mommies ba na nanganak sa Baguio dito? Magkano po ang packages pag private? Balak ko po kasi sa BMC manganak kasi dun naka-assign yung OB ko. Salamat po sa makakasagot. 38weeks na ako, sobrang waiting game nalang. Hihi! ❤️
Ubo At Water Discharge?
Hello po mga mommies! Pagaling na po yung ubo ko. Pero kada ubo ko kasi makati pa din ng kaunti yun lalamunan ko, may parang liquid na lumalabas saakin. Chineck ko yung panty ko eh medyo basa. Hindi naman ako naiihi. Normal po ba yun? Water po kasi ako ng water maghapon. Hindi naman sumasakit yung private area ko at tsan ko pag umuubo. Pero nafefeel ko lang na may lumalabas na parang tubig saakin. Hindi naman po mabaho. Ano po kaya yun? 34weeks po ako today.
Ubo At Sipon - 8months Preggy
Hello po! Sino po dito ang inubo at sinipon while pregnant? Tinry ko na po kasi mag kalamansi juice at warm water at nag rub na din ng vicks kaso wala talaga. Niresetahan ako ng OB ko ng Mucobron at Antibiotics. Natatakot ako itake yung mga gamot pero no choice ako baka kung mapano si baby. Sobrang hirap kasi ang kati ng lalamunan ko. Lalo pag mahihiga na ako. Minsan iniiskip ko yung pag take ng Mucobron kasi natatakot talaga ako sa pagtake ng mga gamot. Pero may prescription naman yun OB ko so sa tingin ko naman safe. Nakakaworry lang. Ano pa mga gamot ang ininom nyo mga momshies at ano mga sakit na naranasan nyo while pregnant?
Small Baby Bump
Hello po. I'm 8months na po. At madami pa din nagsasabi na maliit yung bump ko. Healthy ba kaya tong size kong to? Nararamdaman ko naman lagi si baby, sobrang likot. 1st baby ko po. At girl po sya. May mga moms din po ba dito na maliit yung baby bump nung nagbuntis? Masyado lang din ba ko nagwoworry?
27weeks.
Hello po. 27weeks na po ako, at sabi ng OB ko last check up ko, maliit pa nga daw po si baby kaya sabi nya, "hindi muna kita istop kumain ng madami, basta kain ka lang muna." So ayun nga po, kumain nga lang po ako ng madami. Lately sobrang bilis ko ng magutom. Puro bread yung kadalasan kong kinakain. Tapos tanghali at gabi, rice po, minsan nakaka 2 or 3 cups ako ng rice. Tapos kanina, sobrang gutom ko, nagcrave ako sa chichirya at sweets na never naman akong nahilig nung di ako buntis. Ngayon natatakot ako kasi baka sobra-sobra na yung kain ko. Normal lang ba yung ganto kagutom lagi mga momsh? Thank you po.
Hirap Kumuha Ng Pwesto Sa Pag tulog. 25weeks And 5 Days
Hello mga mamsh. Ayun na nga. Nagising ako ng mga 3am at di na ko makatulog kasi nahirapan na talaga ako pumwesto. Tapos ansakit pa ng likod ko at ang likot-likot na ni baby. Pinaligiran ko na din ng unan yung sarili ko. Hahaha! Nagpapawis din ba kayo pag gising? Lagi kasi ako sa left side ko pag matutulog. Tapos pag gising pawis ako tapos ngawit yung left arm ko. Hahaha! Ang hirap na mag sleep sa back ko kasi feeling ko napepress na nung weight ni baby yung buto ko sa likod. Ano pwede gawin sa masakit na likod? Magadd ba ko ng pillow ko?
25weeks Baby Bump
Hello po. Ako ulit. Ito po yung picture ng tsan ko ngayon. I'm on my 25th week. Sabi nila maliit daw yung tsan ko para sa 25th week. Sabi din ng OB ko, maliit daw si baby pero malikot. Nagwoworry lang ako. 1st baby ko po ito. And girl po sya. Normal po bang ganito? May kailangan ba akong gawin para lumaki yun tsan ko? Sabi din nila pag sobra namang laki ng tsan mahihirapan manganak. Sa totoo lang hindi ko na nga gaano pinapansin yung sabi-sabi nila kasi nafefeel ko naman na ok yun baby ko. Nakakaparanoid lang siguro pag paulit-ulit na sinasabi. ?
Pagtigas Ng Tiyan
Hello po mga momshies. Lately mas nararamdaman ko yung pagtigas ng tsan ko sa right na part. Tapos kagabi tumaas ng kaunti sa may halos bandang ribs to lower na tsan yung pagtigas nya. Ramdam ko talaga yung half part ng tsan ko na tumigas. Hindi naman sya sumasakit at saglit lang din naman hindi sya umaabot ng 1 minute. Normal po ba yun? Is it the baby changing her position? 25weeks and 1 day po ako ngayon.