Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Blessed with a baby Boy ❣️
Baby
Mga mommy ilang Months nyu po tinatanggalan ng pangamay at medyas ang baby nyo? Thanks po sa makaka pansin
MGA MOMMY NA BOTTLE FEED PO PERO BREAST MILK ANG DEDE NI BABY MERON PO BA DITO? PWEDE PO MALAMAN ILANG ML PO ANG NILALAGAY NYO PER FEED AT EVERY ILANG HOURS PO MAG 3 MONTHS NAPO BABY KO. SALAMAT SA MAKAKA PANSIN
Transfer to Formula
Mga Mommies out there Baka pwedeng palakasin nyu po ang loob ko! 2 Months palang po kc baby ko balak kuna sya i transfer sa Formula 😥 Babalik napo kc ako sa trabaho 😔 gustuhin ko man pong ako mag aalaga at gatas ko ang idede nya kelangan ko naman pong bumalik sa trabaho bukod po sa nag patong patong na utang namin dahil sa pandemic, mula kc mag lockdown kaming mga buntis nuon hindi na pinayagan muna mag trabaho 😥 Mga mommy hindi naman po masama na mag formula na kagad kahit napaka bata pa nya noh? Na gi guilty kc ako na dapat gatas kupa dededehin nya 😔 enlighten me naman po mga mommy jan... Nag dadalawang isip pako... Pero talagang kelangan kong mag trabaho 😢
Mga momy baka may naka experience na din sa inyo hindi po ako nagpapa dede pinapa pump kulang at pina iinum ko kay baby (2 months) sa bote... Masakit po kc yung left boobs ko hindi po sakit na puno ng gatas kc kahit na pump kuna at wala ng gatas masakit parin sya, may medyo matigas na part po sa loob nung una nasa kanang part ang sakit ngaun lumipat naman sa kabilang gilid, at tatanung kuna din po kung safe paba na ipanum ko kay baby yung na pa pump kong gatas kc ngayong araw 3x sya nag poop ng medyo malambot hindi naman po sya ganun netong mga nakaraang linggo minsan 3 days bago sya mag poop. Pa help naman po wala akong ibang mapag tanungan 😥
Fever
Mga mommy... Mag advance hingi lang po ako ng opinions nyo... This coming Nov 13 kc tuturukan daw po si baby ko sa Center, nakalimutan ko kung para san yung turok hindi ko kc mabasa yung sulat ng pedia nya... Mag 2 Months palang sya... Niresitahan kc sya ng pang lagnat kc yung ibang baby daw nilalagnat kapag tinuturukan nun... Any remedy po kung sakaling lagnatin sya bukod sa ipapa inum na pang lagnat... Kelangan po bang punasan ng maligamgam or balutin ng jacket ganun? Pa help nmn po... First time Mom at mag isa lang ako sa bahay wala pang masyadong ka kilala sa kapit bahay. Salamat
Baby milk
Mga momsh any suggestions po sa brand ng milk para kay baby... Ok po ba ang Bona? Pa silip nmn mga Mommy ng baby nyo at ng milk nya bukod po sa breastfeed... Hindi kc sya dumidede sakin nasanay na kagad kc sa bote kaya tyagaan kong pina pump para ipainum sa kanya... Since malapit na din nmn ako bumalik sa work nag hahanap ako ng magandang brand ng milk po. Salamat
Mga mommy pa tingin nmn po ng mga Bona baby nyo... Balak kuna po sana kc ilipat si baby ko sa milk from breastfeed... Malapit na din kc ako bumalik sa trabaho
First time Mom
Mga Sis ask lang po kung normal lang na naninigas yung tyan ko lalo na kapag gumagalaw si baby 🤗 Malikot na kc sya sa loob 😅 8 months here. Salamat po sa makaka sagot
Vitamins
Mga sis ask lang po, baka may same vit. sa mga buntis jan Parehas lang po ba itong vitamins na to? Reseta po kc sakin yan Medcare OB yung may bawas po yan yung unang nabili namin pinakita naman yung reseta, tapos yung last pic yan po yung bagong bili ngayon si hubby po kc ang bumili kc hindi ako maka labas at lockdown... Pinakita lang din po yung reseta yan ang binigay... Magkaiba po kc ang lagayan duon aa unang nabili... Parehas lang po ba ito? Salamat!
Anti Tetanu
Mga sis mag tatanung lang po, kahapon po kc galing akong check up at tinurukan nako ng anti tetanu kc 5 months na tummy ko... Sadya po bang masakit to sa laman? Kahapon papo ako naturukan pero masakit parin gang ngayon, masakit po sa laman at parang ang bigat ng braso ko... Ilang days din po bago mawala? Salamat!