Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Got a bun in the oven
hypothyroidism
Mga moms sinu po dito ang may hypothyroidism po, ako po kc 34 weeks na mahigit at meron po ako, may effect po ba sa baby natin yun, worried po kc ako, hindi po kc ako nainom ng binigay saking gamot natatakot lang po ako😢
mga momie 31weeks na po ako ngayun, normal lang po ba yung nababasa lagi yung short
31 weeks na po ako ngayun, normal lang po ba yung nababasa lagi yung short ko mahilig po kc ako uminom ng water madalas nakaka14 glass ako ng tubig sa isang araw kaya lagi din po ako naiihi.. Di ko po namamalayan bakit nababasa yung short ko napapansin ko nalang na basa na pag naihi po ako?
7months
Mga mommy tama lang ba laki ng tyan ko para sa 28weeks and 5 days, sabi kc ng mga kaboard ko parang ang liit pa daw ?
Guys sinu po dito yung nagbuntis na may hypothyroidism, anu po dapat gawin para maging normal yung baby ko, hindi pa po kc ako nakakapagpalaboratory para sa hypo hindi ko rin po naiinom yung gamot na binigay sakin para sa hypothyroidism
gamot
Guys pwede bang uminom ng ferus kahit walang reseta ng doctor, wala kc akong iniinom na gamot, hindi pa din kc ako nakakapagpaturok 6months nakong preggy worried nako ?
madalas away
Mga sis katulad ko din ba kayo na laging masama ang loob sa asawa, yung tipong kahit maliit na bagay lang lagi nalang ako galit sa kanya, madalas di ko talaga maiwasan nalang umiyak dahil alam ko namang sasabihin na naman sakin "parang yun lang, isip bata, bagu baguhin ko daw ugali ko" nagsasawa nako sa ganto mga sis, ang gusto ko lang naman palaging nasa akin atensyon nya, hindi yung kung kelan lang nya ko gustong lambingin, pag ako naman kc naglalambing tapos nagccp sya nagagalit sya agad madalas kc sya mag cellphone .pag nagalit sya magagalit din ako hanggang abutin na ng kinabukasan, alam nyo yung feeling sis na di ba dapat bawal matulog pag magkagalit, bakit sya parang wala lang, tuloy pa din pag ccp nya hanggang abutin ng kinabukasan. Nakakasawa na ? masama ba sa baby mga sis yung laging masma ang loob mo at lagi kang galit?
22weeks
Guys 22weeks and 2 days na po yung tyan ko, ayos pa po ba yung laki ng tyan ko feeling ko kc maliit pa din sya, hindi kc ako nakakainom ng gamot mga mommy, worried lang kc ako ?
Nababahala po kasi ako ngayun 21weeks and 6 days na po yung tyan ko pero di po ako makapagtake ng vitamins na gamot kc wala pong mabibilhan sa mga mercury at drug store na binigay saking gamot nung ob ko ,hindi pa din po ako nakakapagpaturok dahil po sa quarantine, anu po kaya dapat kong gawin mga mommy? Nagaalala na po kc talaga ako sa baby ko sa tummy ko ?
20weeks
20 weeks na po akong preggy, first baby ko po pero di ko po madalas nararamdaman paggalaw ng baby ko sa tummy ko, ok lang po ba yun? Tas parang hindi ko ramdam yung paglaki ng tyan ko..
bawal ang pusa pag buntis?
tanong ko lang po bawal po ba talaga sa buntis ang pusa? meron kc po akong pusa na laging lumalapit sakin pag nakikita ako,ano po ba dapat kong gawin kasi naaawa naman po ako na lagi syang paalisin baka po maglayas ?