Question lang for us mga, ma. Paano niyo ipanakikita ang support niyo kay hubby? Let me share mine. My hubby started to work at a very young age. As early as 16 nagtratrabaho na siya. When he reached the legal age pununta ng ibang bansa para mag work. Hindi pinalad at bumalik sa Pinas. Doon siya nagstart na bumalik sa pag-aaral. He took a 2-year tech-voc course. Nakapagtrabaho naman siya for a year. That time na patapos na ang mga contract namin sa work ay dumating ang aming baby. Si hubby kinailangan na mag stop mag work para maalalayan ako esp. sa last trimester. Parents on both sides are working too kaya talagang kami lang on our own. Noong maipanganak si baby nag start naman ang mga lockdown. Prior to lockdown we planned a lot of things, he will enroll to a TESDA Course on cooking (kasi un talaga ang dream niya, swerte rin ako dahil magaling talaga siya sa kusina). Kaya lang ayun nag lockdown. Sa akin napunta ang opportunity. Kahit lockdown nag push through ang ranking for teachers. Mahaba haba ang hinintay namin. Lahat kami tambay. Noong lumuwag ang mga protocols nag start na bumalik ang work. Natawag na rin ako sa public schools. Kaya lang si hubby at si baby lang ang naiwan. Hubby has no choice but to stay. Hindi wfh ang schedule ko sa school at everyday talagang nandoon ako. Si hubby lang ang nandoon. I continued my masters as well at kumuha ng part time tutoring kaya na-busy na ako. Si baby ayaw nmin paalagaan sa iba (mahirap na). So hubby gave way. But last Dec 2020 may nadaanan akong free training scholarship sa TESDA. January 2021 ang start so sabi ko kay hubby take the opportunity kasi online naman. We processed at naapprove siya. Kaya lang kasama sa contract ang 20-day face-to-face class. Gusto umatras ni hubby kasi inaalala niya si baby (1 y.o. na sya ngayon) kako ako na ang bahala. MWF si hubby so TTh nasakin si baby sinasama ko siya school (following the safety protocols). Friday wfh ako kaya di naman malaking conflict. Netong huli nag extend ang school nila. Ang demand din sa work namin sumasabay (plus gossips and rumors form workmates) which I say to myself nalang na I'm doing my job well si baby maglalaro lang naman sa room tapos hapon matutulog duh. Going back to hubby, gusto niya na magstop kasi naaawa na rin sakin. Ang sabi ko naman, kaya ko pa. Tiis nalang kami pagbutihan niya para makuha niya ang certificate niya. Yesterday it was announced na my AWA (Alternative work arrangement) kami. every other week ang pasok. My mom, who happened to be in the same school, alternate kami kaya may mapag iiwanan na kay baby for Tuesday and Thurs. I told it to my hubby at naramadaman ko ang relief sa kaniya. Kaya mommies, and even daddies, let us support each other sa mga gusto nating gawin or sa mga dreams natin. And above all, pray to the Lord all your plans and surely He will bless you 😇#1stimemom #daddysupport #1stTimeDad
Read moreMy Orders