Shawna Leigh  Vilela profile icon
PlatinumPlatinum

Shawna Leigh Vilela, Philippines

Contributor

About Shawna Leigh Vilela

SAHM • EBF • MOMdishkarte • fitMOM • HOMEMAKER •

My Orders
Posts(16)
Replies(249)
Articles(0)

A LETTER TO MY CHILD💛

MAPAPAGOD , PERO HINDI SUSUKO 💪 MAHAL KONG CIANNA, Nagpapasalamat ako dahil IKAW ang binigay sa amin ni LORD. Nabago mo ang buhay namin simula ng dumating ka lalong lalo na si mommy. Binigyan mo ako ng pagkakataon maging isang ina sayo. Ikaw ang nagbigay ng kulay sa aking buhay. Ikaw ang naging dahilan ni mommy para mas maging matatag at mas maging madiskarte sa buhay. Wala man akong maipamana sayo iisa lang ang aking mapapangako , ang pangakong aalagaan ka at ibigay ang mga pangangailangan mo sa araw-araw. Tandaan mo, ngayong magkakaroon kana ng kapatid hinding hindi mababawasan ang pagmamahal ko sayo kundi mas lalo ko pa kayong mamahalin. Isa sa mga mahahalagang bagay na maibibigay ko sa inyong dalawa ay ang BAKUNA . Bakuna dahil ito ang magiging proteksyon niyo sa anumang sakit at karamdaman na maaring dumapo sa inyo. Sisikapin ng mommy na maibigay lahat ng bakunang kailangan niyo hanggang sa kayo ay magsipag-laki na. Ayokong maranasan na isang araw ay dapuan kayo ng nakakatakot na sakit at pagsisihan na hindi ko ito man lang naagapan sa pamamagitan ng pagbibigay ng bakuna . Kaya naman ako ay nangangako na sisikapin kong maibigay ang lahat ng bakuna na kailangan niyo hanggang sa aking makakaya katuwang na din ang inyong daddy @richwellvilela Kaya naman , sa aking kapwa magulang tandaan natin na ang mabisang sandata ng bawat anak natin laban sa anumang karamdaman ay ang bakuna. Tayo ng kumilos at mag-pledge sa kahalagahan ng BAKUNA sa bawat isa sa atin. https://ph.theasianparent.com/category/building-a-bakunation #BuildingABakunation #TeamBakunanay #theAsianParentPH #VIParentsPH

Read more
A LETTER TO MY CHILD💛
Super Mum
 profile icon
Write a reply