BIGKIS 🤔😐🤯

KAILANGAN BANG NAKA-BIGKIS ANG ATING MGA NEWBORN BABY? AT HANGGANG KAILAN GINAGAWA? MEDYO NAISTRESS LANG KASI AKO. 19DAYS NA SI LO NGAYON NAKITA NA DIKO BINIBIGKISAN ANG SABI SA AKIN BAKITBDAW DIKO BINIBIGKISAN , WALA NAMAN DAW MAWAWALA INIISIP KO KASI BAKA MAY TENDENCY HINDI SIYA MAKA BREATHE NG MAAYOS. SANA MAY MAG ENLIGHTEN SA AKIN 😔 #BIGKIS #NOTOBIGKIS #NEWBORN #BABY

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

No to bigkis po mga Mommy. The reason why pinagbabawal ng mga pedia ay dahil ang mga baby po through stomach pa humihinga kaya pag binigkisan niyo po siya nirerestrict niyo po yung pag hinga ng bata. Kumbaga saating adults, nasasakal po ang baby natin. Kaya ako po, never kong binigkisan ang mga anak ko kahit ano pa sabihin ng mga matatanda. We respect yung nakasanayan na nila pero dapat matutunan din ng mga tao sa paligid natin na respetuhin yung desisyon natin bilang magulang ng bata. ☺️

Magbasa pa
2y ago

+ share ko lang din po na, ako ay may 2 months old baby din. Nung time na 1 week po siya, yung umblical cord stump niya ay natamaan ng diaper at medyo naalis. Pinatingin ko po iyon sa nurse na SIL ko. Ang pinakabilin niya ay wag tatakpan, hayaang matuyo mag isa, palaging linisin ng alcohol. Which is same lang sa bilin ng pedia during his check up nung pag labas niya. Wala naman daw pong nerves ang umbilical cord stump kaya di po nararamdaman ni baby yan kung masagi man siya. Kung napapansin niyo po, umiiyak ang baby pag nililinis ng alcohol ang pusod, hindi po yun dahil nasasaktan sila kundi dahil nalalamigan sila sa alcohol. Nung na check up po si baby ni pedia, wala na po ang umbilical stump pero may natirang itim itim at may natira pang part na hindi pa dry. Yung itim itim po, according to his pedia e 'langid' nalang po, nilinis niya lang ng cotton balls with alcohol. Then binilin niya lang na ituloy lang yung pag lilinis ng pusod with alcohol.

ako hindi na binigkisan ang baby..kahit ano sabihin ng mga tao sa paligid ko...natuyo man ng linis with alcohol ang pusod ni baby within 2weeks...saka wag basain kapag naliligo...dagdag labahin lang eh...bigkisan o hindi, matutuyo din naman ang pusod...saka free pa ang paghinga ni baby...sa kabag naman, pagdighayin lang ng ayos...saka may pedia nagsasabi, pag wellfed ang baby, kabagin talaga dahil di pa fully developed yung tyan nila...ayern..

Magbasa pa

no to bigkis po, mommy. doctors do not recommend po kasi ayun nga, tendency is baka hindi makahinga ang bata at maipit pa ang tyan. kahit sabihin hindi mahigpit, nirerestrict po kasi ng bigkis yung tummy niya. sabihin niyo po sa nagsasabi na magbigkis na hindi po sinabi ng doctor sa inyo na lagyan nun si baby hehe

Magbasa pa
2y ago

wow tinawag pang doktora kung hindi pala alam hahaha

No to bigkis momshie, talagang diko pinakinggan mga natatanda dito ah 3days lang bumaba na yung pusod ng baby ko kakalinis lang ng alcohol pag gumamit ka ng bigkis may possible na pwedeng mag moist yung pusod at mainfection pa si baby mo kaya dapat laging tuyo ang pusod.

Nagbibigkis lang ako pag naliligi si baby para iwas basa tapos tatanggalin ko na after ligo the whole day dapat naka airdry yung pusod para mabilis matuyo at matanggal. 70% alcohol habilin sa akin dampi dampi lang

TapFluencer

Ako hndi nirecommend sakin ng nurses na ngtake care kay baby ang pgbbigkis. Let it dry naturally lng po. if maliligo make sure lng na hndi mbbsa. my nbbili pong waterproof patch para sa pusod.

Post reply image
TapFluencer

My baby is 4 days old. At natanggal mag isa ang umbilical cord. Just put/clean it with 70% alcohol twice a day po. And wag takpan ng bigkis or diaper. Hindi recommended ang BIGKIS PO.

yes mi! no to bigkis Tayo. kahit byanan ko ayaw niya.kase mga anak daw nya Hindi man binigkisan. Yun din Sabi nila kase nga daw makaka apekto sa pag hinga ni baby 😊

2y ago

salamat po! kahit papaano may kakampi ako about this

sakin pag labas baby sa ospital binigkisan ko kc nkakatakot posod nya masagi sagi peru dko hinihigpitan,sa awa ng dyos 18days n si baby ok n posod nya ..

2y ago

Wow same tayo halos ng age ng mga kids natin . 😍 Salamat mommy

No to bigkis po. Mas madaling mag dry ang pusod pag walang bigkis.