Long Wait is Over!
EDD: May 16, 2020 DOB: May 12, 2020 Gender: Boy "I-CS nyo na ako..hindi ko na kaya!" Puro yan na lang ang salitang sinasabi ko sa midwife ng lying-in noong di ko na matolerate ung paghilab ng tyan ko,pero di nya ako pinapansin..sabi nya lang kaya ko ilabas ang baby ko. Masakit..paulit ulit akong pinapatuwid ng midwife kasi natatabingi ako kada hilab ng tyan ko. Makakalma ka lang saglit, tapos hihilab na naman. Mahirap...at totoo na pag manganganak ka, yung isang paa mo nasa hukay. Lahat ng Santo tatawagin mo at totoo na maiisip mo na di biro ang sakripisyo ng isang ina. Pero kahit mahirap mag labor, sulit ang paghihirap pag nakita mo kapag nakita mo na si baby at talagang mapapa Thank You Lord ka ? Laking pasasalamat ko kay Papa G na di kami pinabayaan ni baby ..sa midwife at nurse na nagtiwala sa kakayanan ko kahit na hinang hina na ako..sa ate ko na nagbantay sa akin sa lying in..sa byenan ko na nagpapahatid ng pagkain namin..sa parents ko na di kinakalimutang payuhan na lakasan lang ang loob..at sa LIP ko na kahit nasa malayo eh full support pa din.? Mahal na mahal ko kayo. β€ May bago na namang bulilit sa pamilya ? Welcome to the world, my Ragnar Wolf!
Ragnar's Mom