Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Preggers
Fighter baby
Napakalakas pa din niya kahit ang dami na niyang pinagdaanan sa buhay. Premature baby at may hemangioma naman siya ngayon. Thank you lord for having a baby like him❤ kakatapos lng niya ng ecg sa cardio kaya ang dami niyang pasa sa katawan nakakatawa pa din siya kahit masakit katawan niya hehehe. Meet my 2mos old and premie baby❤😭😭👶❤
SSS MAT BEN.
Good day mga momies! Ask ko lang kung may expiration ba ang L501. Yung binigay kasi ng dati kong employer na L501 is valid until july24 lang. Since expired na hindi na ba pwedeng gamitin yun? Pwede kayang magpasa ng mat2 online? And about sa LOI pwede ba kahit wala ng LOI kapag mag oopen acct? Pwde na kaya sa China bank kahit walang LOI thank sa lahat ng sasagot!
Hemongioma
Prayer lang po malaking tulong na po para sa baby ko. Konting tiis lng baby malapit ka na gumaling😘😭
Hemangioma
Magandang araw sa inyo. Kumakatok po ako sa inyong mga puso para makahingi ng tulong para sa baby ko na may Hemangioma. Need po niya ng cardio at CT scan wala po kaming income ngayon pareho po kaning walang trabaho ni mister dahil sa pandemic. Naubos na po ang ipon namin dahil nag isang buwan po siya sa ospital ng pinanganak ko siya. Premature baby po siya umabot po ng 300k ang bill namin sa ospital baon na po kami sa utang at nakasangla na din po ang bahay namin. Ngayon naman po ay meron naman siyang Hemangioma kahit magkano po ay malaking tulong na po sa amin kapag naipon. Need na po niya ng treatment para hindi po lumaki yung bukol niya. Marami pong salamat sa inyo 😭😭 Ito po ang Gcash number ko. 0950-350-5438
Hello to all mommies out there! Sino po sa inyo ang nakaexperince na magkaroon ng Hemongioma si baby? Any tips kung anong pwedeng gawin na home remedy bukod sa warm compress na ginagawa ko. Para mawala agad yung Hemongioma niya. Maraming salamat sa lahat ng mga sasagot.
pusod ni baby.
Hello mga mamsh. Normal po ba yung ganito kaultaw ang pusod ni baby? Any advice po sana salamat po 2months old and premie baby po siya. ❤
SSS mat2
Good day mga mamsh. Ask ko lang po kung anong mga requirements kapag Mat2 na ang aasukasuhin sa SSS via CS po ako at seperated sa company. Ano po kayang mga requirements since CS ako at requirements na hihingiin para. kay baby. Thak you po sa mga sasagot
kilay ni baby
Hi mga mamsh ask ko lang po kung ano pang magandang gawin sa kilay ng baby ko. Nung nilabas kasi namin siya sa nicu kasi premature siya ilang days lang siya sa bahay parang pasa lang. Hindi ko yun pinansin hanggang sa bumukol na siya nagpacheck up kami sa pedia ang sabi warm compress lang daw muna ang pwedeng gawin sa kilay niya hindi daw siya pwedeng painumin ng kahit na anong antibiotic kasi puro antiobiotic na siya sa ospital. Hindi parin naman daw pwede galawin kasi baby pa siya 1month old pa lang siya. Observe ko lang daw muna tas balik kami after 1month. May ipapayo po ba kayo na pwedeng ilapat sa kilay niya? Thank you po sa mga sasagot
poops ni baby
Good day mga mamsh. Ask ko lang po kung ano kaya ang magandang gamitin para kay baby na matigas ang poops 1month old lang po si baby thank you po sa mga sasagot.
milk formula
Hi mga mamsh. Ask ko lang po sana kung ano ang pinagkaiba ng Pre-nan sa nan-optipro. Pwede po kaya ang nan-optipro para sa premature baby? Salamat po sa mga sasagot.