Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Mom of Astraea ❤️
Lactum 1-3 years Old 2.4kl.
Hi mga kapwa momshies like me, tanong ko lang at sana po ay may makapansin. Nagtataka lang kasi ako, magkaiba ba talaga yung nakalagay na directions usage sa lactum 1-3 years old 2.4kl at lactum 1-3 years old 1.2 kls.? Dun kasi sa lactum 1.2kls 4scoop for 220ml water tapos biglang dito sa Lactum 2.4kls. naging 4scoop for every 190ml water nalang. Confused mom here, pasensya na first mom po kasi. Sana may makasagot po. Salamat. 😊
38 weeks And 4 Days
Hi mga mommies here! Tanong ko lang, ano po kaya effective na pangpa open ng cervix? 38 weeks and 4 days na kasi ako kaso sobrang close padaw yung sakin. Pinapainum nako ni Dok ng evening rose, tapos dapat daw by Monday at least 4cm nako. May iba pa po ba kayong alam na natural way bukod dun? Medyo kinakabahan nako kasi bukod sa diabetic patient po ako ay 35 years old nako and a first time mom to be. Sana po may mga sumagot. Salamat. God bless us. ?
LBM then Hilab Na Masakit
Hi mommies here! Tanong ko lang may naka experience naba dito sa inyo ng LBM tapos nagkaron ng kasabay na paghilab ng tiyan? Grabe, naranasan ko kasi kahapon ang sakit yung parang walang tigil na paghilab ng tiyan. Naging okay lang pakiramdam ko nung uminum nako ng Duvadilan na nireseta ng OB ko. Normal ba yun? Nag worry ako kasi first time kong makaramdam ng ganung sakit. I'm 23 weeks and 6days preggy for my first baby. Salamat po sa mga sasagot. God bless us. ?
Calmoseptine.
Hi mommies here! Ask ko lang, okay lang ba na nagpapahid ako ng Calmoseptine sa singit at paligid ng arreola ko? Nagkakaron kasi ako ng mga rashes, sobrang kati. Nag subside lang nung nilagyan ko nun. I'm 22 weeks and 3days preggy for my first baby. Salamat po sa mga sasagot. ?
Vitamin C?
Hi to all my co mommies here! I'm 20 weeks preggy today for my first baby, pinalitan na kasi ng OB ko yung Obimin plus vitamins ko, bale vitamin C nadaw i-take ko kasama ng Hemarate FA saka Calciumade. Kayo din ba mga mommies nag take din kayo ng vitamin C during your pregnancy? Salamat po sa mga sasagot. God bless to us! ?
CAS?
Hi mommies! I'm a first time mom to be, ask ko lang kung ano po ba yung CAS ultrasound? Ni request kasi sakin ng OB ko, pagawa ko daw pag 23 weeks ko. Anu ano po ba makikita dun? Saka kung sakali magkano kaya yun? Para magka idea nalang din po ako. Salamat sa mga sasagot. God bless us moms here! ?
TAHONG. ?
Hi mga mommies! Tanong ko ng po, pwede ba sa buntis ang tahong? Sobrang dun po kasi ako nagki-crave ngayon. 18 weeks and 5 days pregnant napo ako for my first baby. Salamat po sa mga sasagot. ?
CRYPTIC PREGNANCY?
Good morning sa atin lahat na mga mommies here! I'm a first time mom to be and a newbie in this app, tanong ko lang po.. Ano po ba ang ibig sabihin ng cryptic pregnancy? Salamat po sa dagdag na kaalaman. ?
Okay Lang Ba?
Hi to all the mommies here! Tanong ko lang po, kasi dapat balik ko sa OB ko kahapon kaso naka out of town si Dok, meron naman reliever doctor kaso syempre mas gusto ko dun sa talagang OB ko. Okay lang po ba na i-continue ko muna pag inum ko ng mga vitamins ko na nireseta nya sakin last month hanggang sa magkita po kami after the holidays? Salamat po sa mga sasagot. Btw, I'm 18 weeks pregnant for my first baby. ?