Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Queen bee of 1 playful prince
Proud cryptic pregnacy cp mum❤❤
Cryptic pregnancy: Ang pagbubuntis na walang sintomas 4 min read Cryptic pregnancy: Ang pagbubuntis na walang sintomas Alamin kung ano ang cryptic pregnancy, o ang mga kaso ng mga kababaihan na hindi nalalaman na buntis sila hanggang sa ilang buwan na ang nakakalipas. Mahirap mang paniwalaan, ngunit 1 sa bawat 475 na nagbubuntis ay hindi alam na sila ay buntis. Nagkaroon pa nga dati ng palabas sa MTV na "I Didn't Know I Was Pregnant". Mayroon ding mga kahit pa ilang beses gumamit ng pregnancy tests, negatibo parin ang lumalabas dito. Ito ang itinatawag na cryptic pregnancy. Ang cryptic pregnancy ay ang pagbubuntis kung saan hindi nade-detect ng mga karaniwang medikal na tests. Dahil dito kinikilala rin ito sa tawag na "stealth pregnancy". May ilan pang mga laking gulat nang malaman na sila ay nasa kalagitnaan o dulo ng kanilang pagbubuntis. Mayroon ding iba na ang unang nararanasan na senyales ng pagbubuntis ay ang pagla-labor. Alamin pa natin ang mga kailangang malaman tungkol sa cryptic pregnancy. Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon. Ano ang sanhi ng cryptic pregnancy? May ilang mga dahilan kung bakit ang iba ay hindi nakakaranas ng sintomas ng pagbubuntis. Ang mga karaniwang kundisyon na naiuugnay sa cryptic pregnancy ay ang mga sumusunod: Polycystic Ovarian Syndrome (PCOS) Ang PCOS ay isang disorder sa hormones na karaniwan sa mga nakakaranas ng obesity. Ang imbalance na nadudulot nito sa hormones ay nagiging dahilan ng mga problema sa ovaries. Karaniwan itong nagdudulot ng irregular na periods. Perimenopause Ang perimenopause ay ang transition sa pagitan ng regular na menstrual cycle at menopause. Sa puntong ito, nagiging iregular na ang mga period na nararanasan ng mga babae hanggang sa ito ay tuluyang huminto. Kasama sa sintomas nito ang pagbigat ng timbang at pagbago-bago ng mga hormones na katulad sa maaaring maranasan sa pagbubuntis. Paggamit ng birth control pills Marami ang nagiging kampante na hindi sila mabubuntis dahil sa pag-inom ng birth control pills. Subalit, maaari paring makabuo ng baby kahit pa gumagamit nito. Dahil dito, hindi inaasahan ng iba na sila ay nagbubuntis na pala at nagugulat na lamang sa balita. Epekto ng hormones matapos manganak Pagkatapos manganak, lalo na kung nagpapa-breastfeed, hindi agad bumabalik sa regular ang period. Ito ay dulot ng hormones sa katawan na nagpapatagal ng ovulation. Ngunit, maaari paring mabuntis sa panahon na ito. Ang hindi pagdating ng period at mga pagbabago sa katawan matapos manganak ay nagdudulot ng kalituhan sa katotohanan na sila ay buntis na pala. Pagkakaroon ng athletic lifestyle Kadalasan, ang pisikal na aktibong pamumuhay ay maaaring maka-apekto sa period. Dahil sa napapababa ng ilang aktibidad ang ibang hormones, maaaring madelay ang period nang ilang buwan. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi agad nade-detect ng pregnancy tests ang dinadalang sanggol sa sinapupunan. Anu-ano ang sintomas ng cryptic pregnancy? Ang normal na pagbubuntis ay kadalasang natutuklasan sa first trimester. Ang inaasahang period na hindi dumating ay nagiging hudyat ng paggamit ng pregnancy tests na nagiging positibo. Kadalasang nakakaranas ang mga ito ng paglaki ng dibdib, madaling pagbago ng moods, kapaguran, at pagkahilo. Sa cryptic pregnancy, maaaring tingin ay hindi mabubuntis. Idagdag pa na hindi nakakaranas ng regular na period, walang maghuhudyat na kailangan na gumamit ng pregnancy tests. May mga panahon din naman na kahit pa gumamit nito, negatibo ang nakikitang sagot. Dahil dito, ang mga sintomas ng pagbubuntis na maaaring maranasan ay inuugnay sa iba pang bagay. Mga problema sa panganganak Ang nagiging problema sa panganganak mula sa hindi alam na pagbubuntis ay ang kakulangan sa paghahanda para dito. Kapag ang naging unang senyales na nagbubuntis ay ang pag-labor, malaki ang madudulot na psychological distress sa nagbubuntis. Ang hindi rin pagiging handa sa panganganak ay maaaring mangahulugan na walang duktor o midwife na maaaring tawagan. Bigla nalang makakaranas ng malalang pananakit sa tiyan na maaaring maging rason nang daliang pagpunta sa emergency room. Ang cryptic pregnancy ay maaaring isang nakakatawang sitwasyon para sa mga tao na hindi nauugnay dito. Dahil nga dito, naging bahagi na ito ng ilang mga pelikula na komedya. Subalit, ito ay isang totoong kundisyon na pinagdaraanan ng ilang tao. Kawawa rin ang pinagdadaanan ng sanggol na maaaring hindi makakuha ng sapat na nutrisyon habang ipinagbubuntis. Source: Healthline Basahin: Posible ka bang magbuntis nang hindi ito nalalaman? RELATED STOR
Cryptic pregnacy
Hello hindi po ako natatakot mabully sa kalagyan ko at situation ng pagbubuntis ko Claim ko po na buntis ako 19months cryptic pregnacy sino po may ganito pagbubuntis pacomment naman please respect my post?