Leave mula ng mabuntis plus maternity leave

Hi mommies, may itatanong lang sana. Mula ng magbuntis kasi ako ay nagbedrest po ako kaya need magleave until 5 months po panay leave ko po nun. Ngayong 6 months nagtry na ko pumasok. Kaso inadvise sakin ng OB ko na ituloy ko na leave hanggang manganak na po ako dahil maselan ang pagbubuntis ko. Tanong ko lang, wala naman po karapatan ang employer na i-force tayo na magresign diba if halimbawa na ituloy ko na leave ko hanggang kabuwanan at maternity leave after manganak? Ayoko din kasi po na magresign pa at bitawan ang work ko kasi ang hirap maghanap ng trabaho. Paano po ginawa nyo mga mommies? Please help po. #1stimemom #advicepls #pleasehelp #firstbaby #pregnancy

9 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

hi, sa company po namin may kakilala po ako na buong pregnancy niya ay di na po siya pumasok lalo na po 3rd attempt na po niya magbuntis nun kasi nakunan po siya twice within the same yr.. pinayagan naman po siya. Then ako po sa ngayon ay almost 3 months na rin po di nakakapasok mula po malaman ko na buntis ako kasi nagkaron po ako spotting then nagbleeding pa po so need bedrest lalo na po nakunan na po ako last yr. VL at SL ko lang po gamit ko till now. Need ko lang po magpresent sa company ng Med Cert from OB stating ng condition ko.

Magbasa pa

Depende po yun sa policy ng company, kaya dapat talaga binabasa mabuti ang contract bago pumirma. 9 months ang pagbubuntis .. kung simula palang ng pregnancy hindi ka na pumapasok ede almost 1 year kang wala. Ang sakop lang ng maternity benefits ay 3 months leave after manganak. (DEPENDE kung may adjusted days gaya sa company namin na may offer na extended 1 month UNPAID maternity leave) Better talk to your HR about sa situation kase iba iba ang policy lalo na pag private companies.

Magbasa pa
2y ago

no mommy kung nakahulog ka sa sss sa parehong taon kahit magleave kpa ng 7 months may makukuha kaparin po as long na nakapaghulog po si employer of 3 months

ako po mamsh nagleave na agad ako para mag bedrest..mahirap na kasi sa katulad kong may history ng miscarriage,sa work ako dinugo dati hanggang sa nakunan na..buti at pumayag agad yung employer ko na magleave ako simula nagpositive ako sa pt..mas mahirap po mawalan ng baby mamsh..9 yrs din kami naghintay simula nung nakunan ako..kaya iniingatan ko na talaga baby ko ngayon.4months na tyan ko ngayon.awa ni lord,healthy si baby🙂

Magbasa pa
2y ago

Magffile palang din ako ng mat 1 at pinaghuhulog nila kami sa sss at philhealth pati sa pag ibig hanggang due date..medyo mabigat kung pati sa pag ibig huhulugan ko din..kaya sabi ko kung pwede sss at philhealth lang muna ang hulugan.pumayag naman sila..importante din kasi philhealth para sa panganganak..🙂

ako mamsh simula ng may findings na subchorionic hemorrhage inadvise na ako ni doc mag bed rest at work from home. so humingi ako med cert to back up ung request ni OB. kinausap ko c hr and pumayag nmn managment sa arrangement na work from home. kasi sobrang layo din ng travel ko if papasok ako at maselan.

Magbasa pa
2y ago

welcome po mommy

tingin ko di ka nila pwede tanggalin dahil lang nabuntis ka or naka bedrest ka.regular na po ba kayo don?ako po kasi regular sa work 2 months ako dati hindi pumasok gawa maselan ako,ngayon baka hanggang june na lang ako papasok EDD ko kasi August l,anytime after manganak alam ko na may babalikan pa ko.

Magbasa pa
2y ago

yes po regular na po ako.

Same case mommy. simula nalaman ko na buntis ako hindi na ako pinapasok ng OB ko kasi Risky daw. Kinausap ko yung employer ko at pumayag nman sila na babalik ako after ko manganak. Ang nangyare lang yung mga benefits ko nag self employed nlang muna ako para continues ko sya mahulugan.

2y ago

Ewan nga mommy eh. May nag comment lang. Basahin mo.

Yung pinsan ko, nag maternity leave lang sya tas tinanggal na sya sa work. Ang ginawa niya, nag complain sya sa DOLE kaya binigyan sya ng pera. I think depende naman po sa company nyo kung tatanggalin kayo or hindi po e.

2y ago

Sige mommy. Salamat po sa info. 😊😘

File ka medical leave of absence. Hinge ka medical certificate sa OB mo. Wala sila choice kundi ihonor yun. Tapos mga 45 days before ng due date mo. Magfile ka na ng maternity leave.

2y ago

Sige mommy. Salamat po. 😊

Depende sa company, at sa job status mo po. Lalo na kung hindi ka regular employee sa company, pwede ka tanggalin.

2y ago

kung regular ka po wala pong problema.