LIBRENG KASAL Last week nag-blog ako about LIP (Live-In-Partner). Controversial at maselan daw ang topic na yun (alam ko naman) at talagang maraming confused pagdating sa usapang MARRIAGE. Kaya ako napa-blog regarding that topic ay dahil narin sa maraming kababaihan ang nagsusulat sakin tungkol sa sitwasyon nila bilang LIP. At sa pagnanais kong bigyan sila ng hope at clarity mula sa usaping yun, minabuti ko ng ibunyag ang katotohanang pinaninindigan ko. Yes! Its not an opinion, its the truth from His word. Again, that blog was not meant to judge, demean, condemn or offend kung sino man ang andun sa ganung situation. Hindi ko din pinipilit ang sinoman na magpakasal. ? Ang sakin lang e, maituwid ang âdistorted truthâ ng ating society pagdating sa usapin na yun. Nirerespeto ko kayo pati narin ang decision nyo but it doesnât mean na sumasangayon ako âşď¸ (O siya sa prisinto nako magpaliwanag!!!?) Anyway, yun na nga. Umani ng maraming comments ang post kong yun... 1. 20% of them shared their transformation story from being a LIP to becoming a wifey. Such a beautiful testimony! 2. 30% of them ay malungkot dahil waiting pa sila na makasal. 3. 45% of them ay super agree sa pinupunto ko. 4. 5% of them naman ay confused o kaya ay hindi agree sa post ko. Dahil katulong at kasama ko ang asawa ko sa pagsagot sa mga comments, nag-offer siya ng LIBRENG KASAL para sa mga gustong itama ang mga relasyon nila sa mata ng Dios. SERYOSO PO SIYA/KAMI DITO. Sa totoo lang, sa mahigit 7 years ng pagsasama namin ni Mark, marami-rami narin talaga siyang naikasal ng libre. Yes libre! Hindi siya naningil ng talent fee (parang singer eh noh), professional fee or kahit love gift. Bakit? Kasi we love building lives. PERO BAGO NYO PO I-AVAIL ANG LIBRENG KASAL NA INO-OFFER NAMIN ITO PO ANG IILAN SA NAIS NAMING IPAALALA SA INYO: 1. HINDI KASAL ANG SAGOT. Si Hesus ang sagot. Ang iba sa atin iniisip na kasal ang kukumpleto at magbibigay ng fulfillment sa atin. Hindi Bes. Jesus alone can complete and fulfill us. Kaya bago magpakasal, siguraduhing malinaw sayo na si Hesus ultimately ang kailangan mo at secondary nalang ang makakasama sa buhay. 2. HINDI BASTA-BASTA ANG PAGPAPAKASAL. Ang pagpapakasal ang isa sa pinaka-mahalagang decision na gagawin mo sa buhay mo. Pag nagkamali tayo sa taong papakasalan natin we will be wrong for the rest of our lives. Kaya naman bago pumasok sa relationship siguraduhing si Lord ang pumili ng pakakasalan mo at hindi ikaw. Wag magpabuntis, wag makipag-livein para malaman kung siya ba talaga ang dapat. Hindi mo dun makikita ang sagot. Nasaan ang sagot? Na kay Lord. Paano mo malalaman? Seek Him. Yes! Seek Him with all your heart, you will find Him. At pag natagpuan mo Siya, madali mo nalang malalaman kung sino ang hinanda Niya na sadyang para sayo. 3. HINDI MAGIC ANG KASAL. Hindi porket nagpakasal tayo e automatic smooth ang pagsasama. Automatic âhappily ever afterâ. Automatic walang heartaches at walang conflict. NO. Marriage is hardwork. You have to choose LOVE always... whatever it takes. Kaya no wonder may mga naghihiwalay kahit kasal kasi again, pinaghihirapan ito ng couple. Yung ilagay si Lord bilang center at head ng marriage natin aba mahirap yun. Kaya wag tayo kampante na after ng kasalan #mayforever na. Make Jesus the LORD of our lives and marriage then work hard on it then doon lang magkakaroon ng #forever. Hindi kailangang magarbo at bongga ang kasal. Wag tayo ma-pressure sa ganda ng kasal ng iba. Kahit gaano pa ka-simple ang isang kasalan, memorable parin yan dahil yan ang araw na sinumpa mo sa harap ng Dios at tao na magmamahalan kayo sa hirap at ginhawa, sa lungkot at saya, sa sakit at kalusugan. OBEDIENCE TO GOD BRINGS BLESSING. Hindi lang financial or material blessing mga Bes ha? Its more than that! Mahirap ipaliwanag. Abundant life kahit hindi limpak-limpak ang salapi. May kapayapaan ka. May ligaya sa puso mo kahit enough lang ang meron kayo. Inspiration ka sa mga tao sa paligid mo. Yan at marami pang iba! So pano na? See you soon? ? ***Napa-blog ako tungkol dito kasi may nagpost daw samin sa isang group. Marami daw interested sa libreng kasal ? Naisip ko lang, sana ang mga local churches meron ganitong offer sa community nila. Yung tipong kasalang bayan ang dating. Sabay-sabay ang premarital counselling tapos sabay-sabay ang kasalan. Wala ng bayad sa venue, sagot na ng local church at wala na ding bayad ang magkakasal. Tapos kanya-kanya nalang kain at celebrate sa labas. Tapos itong mga couple na bagong kasal, para masiguro na tatagal ang pagsasama nila, magjjoin sila sa isang local church para maalagaan sila. ANG SARAP MANGARAP! Sana may gumawa at makaisip nito! Kasi kami ni Mark interesado sa initiative na ito. Magsisimula kami sa mga couples around our area (San Pedro, Muntinlupa, BiĂąan, Sta. Rosa). Pwede diba? ? #LibrengKasal #UsapangMarriage #ObedienceBringsBlessing Si Mamsh Cass Brion ang gumawa niyan. Share ko lng po. Pwede nyo siya hanapin sa fb
Read moreLIP Madalas ko itong mabasa sa mga mommy group na kinabibilangan ko. Akala ko literal na labi ang ibig sabihin nito. Hindi pala. LIVE-IN-PARTNER Yan ang ibig sabihin ng LIP. Iâll go straight to the point. This is my stand. This is the truth. This is Godâs standard. Living-in is NEVER Godâs will. Regardless kung ito ang convenient, ito ang norm, ito ang âparang nag-woworkâ, living-in together is not Godâs will for us. Hindi ito ang design ng Dios pagdating sa relationship. MARRIAGE is Godâs design. Kaya naman wag tayo magugulat kung bakit ibang klase ang hirap at sakit. Huwag na tayo magtaka kung bakit parang ang complicated ng mga bagay-bagay. Why? Because God never intended it to be that way. If living-in is never His will for us, then we are going against His will. Yung makalaban at makasalungat natin ang tao keri lang e, pero yung Dios ang kasalungat natin, ibang usapan yun. So I have 3 important message to all the ladies na may LIP: 1. YOU DESERVE THE BEST. Deserve mong hindi malito kung asawa ka ba, girlfriend, housemate or live-in partner. Deserve mong maiharap sa altar at maisumpang mamahalin habang buhay sa harap ng mga mahal mo sa buhay at sa harap ng Dios. Deserve mo yung napakagandang plano ng Dios sa buhay mo, yes alam kong may plano ka or ang partner mo pero mas perfect ang plano ng Dios. 2. YOU ARE WORTH FIGHTING FOR. Actually you are worth dying for. Jesus died for you. He bought us at a costâ-sarili Niyang buhay. He didnât save you para mabugbog, mapahiya, malagay sa alanganin at kung ano-ano pa. Ang totoong pag-ibig, ipaglalaban kung ano ang tama at dapat hindi lang sa paningin ng tao kundi lalo na sa paningin ng Dios. 3. OBEDIENCE BRINGS BLESSING. It doesnât mean na perfect na ang relationship kapag kasal BUT let me tell you this, when we obey God, blessings will come. Yes may mga challenges, may mga pagsubok parin, hindi bed of roses, pero makakasiguro tayo that His grace will see us through so we can have an abundant life and have it to the fullest. I speak this truth in LOVE and in HOPE that we will all embrace Godâs design... That we will all experience His awesome and wonderful plan not just today but for the rest of our lives. Life is short. Itâs about time to make things right. Madaling sabihin, mahirap gawin, pero posible. Itâs never too late to start right with GOD. Thereâs hope. Virtual hugs mga Inay. â¤ď¸ #UsapangLIP #Jeremiah29:11 #YouDeserveGodâsBest #YouAreWorthFightingFor #ObedienceBringsBlessings
Read more