Shorts vs Pajama

Hello mga momshies. Naku-curious na talaga ako dahil ang dami ko na naririnig na nagde-debate tungkol dito. Okay lang ba na mag-shorts pagkatapos manganak? Hindi yung maong or yung sexy shorts ah. Syempre yung disenteng shorts naman na hindi sobrang ikli, tama lang yung haba at malambot lang yung tela. Ako kasi nung sa panganay ko naka-pajama ako saka medyas. Pero sobrang hassle sakin dati pag naka-pajama. 4th degree kasi yung tahi ko nun kaya nahihirapan ako magsuot, maghubad tapos feeling ko kulob na kulob yung pakiramdam ko kasi malagkit na nga yung private area ko dahil sa dugo tapos kulob pa. Kaya sinubukan ko mag-shorts at sobrang komportable ako kasi nakakapresko sobra at kahit papano feeling ko may ventilation yung mga singit ko at private area ko hahaha. Saka naka diaper pants ako the first 5 days kasi ang lakas pa ng dugo ko nun at pag umiihi ako pinapadaluyan ko ng tubig yung private part ko para di masyado mahapdi umihi. Eh minsan hindi pa maiwasang mabasa sa cr. Basta sobrang nahirapan ako nun base sa personal experience ko. Saka sa paglaba, mas madali ko mapatuyo at madaling labhan yung mga shorts kesa sa pajama. Naka medyas na mahaba naman ako nun na hanggang tuhod saka nakajacket pero shorts talaga gusto ko kaso ang daming pumuna sakin non kasi papasukan daw ako ng lamig. Eh nakamedyas, jacket at tsinelas naman ako. Di ko na kaya pag pajama kasi nakukulob masyado yung pempem ko hehe ? Tingin nyo mga momsh? Shorts o pajama pa rin?

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Pwede naman siguro. Ako rin naka short after manganak. Wala rin naman kasing sinabi yung mama ko na hindi pwede mag short.