Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
First time Mom ?❤️
Finger foods ni Baby (Soft Boiled Apple, carrots and Banana)
Hello Mga Mami, nauubusan na ko nang puree recipe. Any tips nman po nang mga prinepare nyong masustanya at nakaka gain nang weight sa inyong mga LO paki share Naman po. 7 months na po si Baby Girl ko and 7.6 kilos lang po sya. Pure breastfeeding po.
Similac Infant Formula 0-6 months 400g 2 packs-2025 expiry
Mga Mom's patulong nman po. Sino same sa gatas nang Baby ko. Bebenta ko po kahit 600 per pack nalang po. Sayang po Kasi di hiyang baby ko. Need Namin mag palit milk. Malaki po Kasi nabili Namin diko expected na Hindi sya mahihiyang. Location ko po. Mexico Pampanga Baka my mga member Dito na malapit. Need funds para sa bagong Milk ni Baby. Thank you in advance ❤️
Possible ba mabuntis agad?
Mga Momsh, 3 months na nakalipas after ko manganak via Normal delivery. Pure breastfeeding and Hindi pa ko niregla. May nang yari samin ni Mister 2 weeks ago 2 times na po. Ask ko lang po sa mga naka experience na. Possible ba na mabuntis ako ulit agad? Kasi wla po kami any contraceptive na ginamit during intercourse.
Okay lang ba na mag pa Dede nang both kayo nakahiga ni LO?
Mga Momsh, sino po sainyo Dito same sakin na mas comfortable kayo both ni Baby pag nakahiga na mag pa Dede. Mag to 2 months palang si Baby ko sa April 7. Since new born sya nakahiga na sya mag latch sakin. Kasi di sya comfortable pag nakaupo ako. Sabi nang mga Matatanda wag daw nakahiga mag pa Dede Kasi baka malunod si Baby at kakabagin. Kaya siguro parang may halak si Baby ko Kasi di sya nakakapag burp after BF Kasi diretso tulog na.
Heart burn 😩
Sobrang hapdi sa dibdib mga Mom's. Patulong nman po ano home remedies or gamot nyo sa heartburn. Currently 35 weeks pregnant. 2 araw na mahapdi dibdib ko sa heartburn 😭
UBO'T SIPON HABANG BUNTIS
Mga Momsh, nauso nanaman Ang UBO'T SIPON . 😩 30 weeks pregnant hirap na nga makatulog sa Gabi nadagdagan pa nang UBO'T SIPON. Sino nakakaranas ngayon nang ganito sainyo at Anong Home remedies nyo mga Momsh? Barado ilong at medyo hirap na sa pag hinga.
Gender ni Baby
Just done with my CAS ultrasound and nalaman na Namin Yung Gender ni Baby. Currently 26 weeks pregnant na po ako. Nakakalungkot lang na Makita reaction nang hubby ko na parang disappointed sya na malaman na Baby Girl si Baby Namin. Dati pa Kasi prefer nya talaga Lalake. Ako nman sabi ko kahit ano. Girl or Boy man doesn't matter as long as Healthy si Baby. Kapapanganak lang din Nung Asawa nang kapatid nya and it's a baby Boy. Nakikita ko na sobrang gustong gusto nya Yung pamangkin nya and sobrang proud sya dahil sobrang cute nito. Normal bang makaramdam nang selos sa tuwing nakikita ko na parang mas proud at gusto nya dun sa pamangkin Namin kesa sa Baby namin kahit di pa to lumalabas? Ako Yung nagseselos para sa Baby Namin sa pinapakita nyang affection sa pamangkin nya.
Nuchal Cord
Mga Momsh, Sino Dito Yung normal nman na nakapanganak kahit merong Nuchal cord Ang baby? Nakaka praning Kasi Minsan Lalo na kapag hindi mo naramdaman Yung galaw ni Baby. Napapakain tuloy ako nang chocolate para lang maramdaman ko Yung likot ni Baby. Currently 26 pregnant na po ako.
Pakialamera/Pakialamerong Byanan
Sino sainyo Mom's Ang irita din sa mga Byanan dahil sa masyado na itong nangingialam sa pag bubuntis mo. Minsan gusto ko nalang sabihin na kayo na kaya mag buntis para Wala na kayong sinasabi pa. Okay nman Yung mag payo, Kaso Yung lahat nalang papakealaman nakaka irita na sa Tenga. Tapos sasabihan ka pa dapat kilay lang mag Mana sayo. Samin na lahat 😂 edi Wow! Kayo ba Yung gumawa at nakabuo para sabihan ako nang ganyan? Nakakabadtrip na nakakainis jusko!
PHILHEALTH BENEFITS
Ask ko lang po mga Mom's kung kelangan po ba updated Ang hulog sa Philhealth para magamit sa panganganak? Ang last hulog ko pa po Kasi is 2014, with 36 months of Total contribution. Magagamit ko pa din po kaya kahit Hindi updated Ang monthly contribution? Or need mag hulog para ma update? Salamat po sa mga sasagot ❤️