2 babies in 2 years in a row

Yes sobrang possible mabuntis ulit kahit kakapanganak lang. I've shared my story about my 1st born nung year 2022 dito sa asianparents and now I'm sharing again my my 2nd baby dahil kahit unexpected I'm happy and greatful to have these little cute babies of mine in just 2 years! Di talaga impossible na mabuntis ka ulit kahit ilang buwan ka palang kagaya sakin. Since normal delivery ako sa 1st baby ko, 1 month palang dinatnan na ako after manganak and so as 1st time mom hindi ko expect na masusundan din agad yung firstborn ko excited kase ang daddy yan tuloy nasundan😁 haha kidding aside. Sa pangalawa ko masasabi ko napaka lakas ng kapit nya comapare sa 1stborn ko na dinugo ako at need mag bedrest at uminom ng pampakapit eto namang sa 2nd born ko masasabi kong naging kampante ako sa mga kilos ko na halos araw araw gawaing bahay talaga plus alaga pa sa 1st baby ko may pangyayari pa sa pagbubuntis ko sa pangalawa ko e 3 beses kami binaha sa inuupahan namin which is sobrang traumatic. But sa awa ng diyos nailabas ko ng ligtas yung pangalawa ko, emergency cs nga lang since di nag 1 cm lang yung cervix ko at mas nauna pa pumutok panubigan ko. 1 week din kami nag stay sa ospital since nagkaron ng sespsis si baby paglabas so need mag antibiotics. Grabe din yung hirap pag cs talaga imagine 1 day ka palang nanganak gusto na agad ng doctor at nurse maglakad na ako at makapupu. At after 1 day inalis na agad catheter ko hahaha di ko alam pano ko nakaya yung sakit at hirap then pag uwi ko after 1 week sa hospital nag laba at luto na agad ako since ako lang mag isa nag aalaga at may kanya kanyang family na mga kapatid ko. Simula physically, mentally, financially grabe sa hirap kaya ngayon lang din ako nakapag share ng story after 4 months ko manganak since ngayon palang ako nakaka recover sa mga pangyayari. Sobrang thankful ako kay god di nya kami pinapabayaang pamilya lalo na ako. Despite sa lahat ng pagsubok na pinagdaan ginagabayan at sinasamahan nya ako. Thank thank you po talaga panginoon. 🙏 So ayun lang po mga ka mommies and daddies if ayaw nyo pa masundan mag family planning na po agad kayo or protection at sa mga unexpected mommy again kagaya ko laban lang lagi nyo po tatandaan nakagabay lang po satin lagi ang panginoon. ☺

2 babies in 2 years in a row
11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi Parents! Just a reminder to BE KIND and respect the post. Welcome ang lahat ng questions dito. Gusto naming panatilihing safe ang space na ito para sa mga parents na mag-share ng stories at magtanong. Binura namin ang mga offensive comments na na-report kasi walang lugar para sa mga ganun dito sa app na ito. Let this be a reminder to keep this community a safe space for fellow parents to share stories and ask questions. Thanks!

Magbasa pa

Normal lang naman po talagang magbuntis tayo right after manganak,i mean mostly saatin ganyan naman po talaga. Bumabalik fertility ko 3 months postpartum,yung 3rd baby ko September 2,2022 tas yung 4th September 25,2023. Magkalayo panganay at 2nd born ko kasi naka family planning kami. But sa 3rd at 4th is di kami nag family planning. Btw, lahat ng anak ko is lalaki. Naghahabol si mister ng babaeng anak😵‍💫

Magbasa pa
VIP Member

sameee feb 2023 first baby ko via ecs tas now im 33 weeks & 5 days preggy! ako lang rin mag isa sa bahay palagi 😶 ttry namin mag vbac next month hopefully magng successful

marami na ring case na ganyan dito minsan, kapapanganak lang ilang mos buntis na agad

Cuties.. "Irish Twins" ang tawag sakanila mii🥰😍 Congrats..♥️

ilang weeks po si 2nd baby while 1 cm pa rin po kayo mami?

9mo ago

ikaw yata naiyak,lahat ng tinatype mo dito is "KATANGAHAN". kung ako is MS ANTE ,ikaw si MS ENGOT hahahahahahahah

ang cute naman po ng mga babies nyo. congrats miii

at opo quota na po muna ako hahaha

congrats mi boy and girl agad🥰

Congrats mii. Boy and girl naa.