Annarose Somino Zarate profile icon
GoldGold

Annarose Somino Zarate, Philippines

Contributor

About Annarose Somino Zarate

Mom of two beautiful children, married simple & God's daughter...

My Orders
Posts(21)
Replies(7)
Articles(0)

Introducing my 6 months old solid foods for the first time...

#introducingsolids #6MonthsOldbaby #PureeFood #My2ndBaby Hi po! Nagstart na akong patikimin ang more than 6 months old baby ko ng puree vegetables nung April 21 lang. Una kong pinakain ay carrot puree w/ breast milk ko na unti lang nung una para syang kinikilig pagkalunok nya nung sinubuan ko sya, sabi ng napagtanungan kong kapwa mommy din normal lang yun. Siguro ang naubos nya mga isang kutsara lang yung baby spoon, napainom ko na din sya ng unting tubig Wilkins yun unti lang nasip nya kasi naninibago pa nga din sya sa tubig tyaka nilalaro nya sa bibig yung tsupon. May natira kinabukasan kasi mga 6pm na ko nakagawa nun, nilagay ko yun sa ref, ininit ko at pinakain ko ulit sa kanya medyo mas madami na sya nakain kumpara nung una. Tinapon ko na yung iba pang natira sinearch ko kasi hanggang 48hrs. lang pwede ipakain yung nilagay sa ref tapos pag nainit na bawal na ulitin. Ngayong araw naman kaninang mga 4pm nagluto naman ako ng mashed potato na may unting breast milk ko, mas unti yung napump ko kumpara nung una na minix ko sa first puree nya, antagal na din kasi nung huli akong nagpump nafufrustrate kasi ako pag unti lang nakukuha ko. Pinatikim ko sa kanya yung mash potato ayaw nya umiiyak sya bakit kaya? Nalulungkot tuloy ako at nanghihinayang na ayaw ni baby kainin yung ginawa ko. Sorry po ang haba ng story telling bago masabi yung tanong pero salamat sa magtatyagang bumasa nito. Advice pls. naistress ako kung paano ko sasanayin na papakainin si baby bukod sa milk ko...tia 🤗

Read more
 profile icon
Write a reply