Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Preggers
Medyo worried
Nagpapabreastfeed kase ako and kakapanganak ko lang nung Aug 13. Medyo mahaba tahi ko, hindi kaya to matatanggal pag laging nakaupo? #1stimemom #advicepls
Russ Ellery
Meet my baby boy EDD: Aug 10 DOB: Aug 13 2.8 kilos #firstbaby Worth all the pain 😇
40 weeks 1 day
Still at 2cm. Pang 3rd week ko nang magtatake ng primrose, this time insert na vaginally. Sana tumalab na 🙁
Duedate
Duedate ko na ngayon, August 10. Nahilab hilab na sya pero wala pang pattern. May lumabas na din na mucus plug kahapon ng umaga. Sana manganak nako, naeexcite ako pag may nararamdaman akong kirot sa puson kaso nawawala din agad 🙁
39weeks
1-2cm dilated. Mababa na si baby pero matigas pa daw cervix. Any tips po para mapalambot. Naglalakad lakad naman nako everyday paikot ikot sa bahay then every afternoon squat, pag umabot pa daw ng due date baka ics na kase malaki na si baby masyado 🙁
1cm
Nagpa ie ako kanina and 1cm dilated nako. Sabe din ni doc nakakapa nya na daw yung ulo ni baby 😇 Aside sa pag inom po ng evening primrose, ano pa po bang mga pwedeng gawin para magdilate cervix ko ng mabilis? Maraming salamat sa sasagot 😊
Philhealth
Pwede po ba sa bayad center magbayad ng 1 year contribution for philhealth? Nagtry po kase boyfriend ko sa mismong branch ng philhealth, dameng tao masyado, walang social distancing kaya umuwi nalang sya. May iba bang pwedeng pagbayaran aside sa mga branches mismo?
Dahilang ng paglaki ni baby sa tummy
Totoo bang nakakalaki ng baby sa tummy kung laging malamig na tubig ang iniinom? Ano lang po ba yung mga pwede kong kainin para di na lumaki ng sobra si baby. 3.2 na kase sya base sa ultrasound ko. Though may mga nagsasabe naman na hindi accurate yun, nakakaworry padin.
Ilang years na yung philhealth ko pero wala pa akong hulog kahit magkano. EDD ko is Aug 10. Magagamit ko pa ba yun kung maghuhulog ako from Aug 2019-2020? Salamat po sa sasagot.
Baby weight
Gaano ba ka-accurate ang bps ultrasound? Based kase sa last ultra ko 3.2 kilos na si baby, 36 weeks palang ang tummy ko. Nakakaworry kase baka hindi ko kayanin ang normal delivery since maliit lang ako.