Dahilang ng paglaki ni baby sa tummy

Totoo bang nakakalaki ng baby sa tummy kung laging malamig na tubig ang iniinom? Ano lang po ba yung mga pwede kong kainin para di na lumaki ng sobra si baby. 3.2 na kase sya base sa ultrasound ko. Though may mga nagsasabe naman na hindi accurate yun, nakakaworry padin.

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

same with me diet narin ako, 7 months palang ako sinabihan n ako na magbayad kac yung 27 weeks ako nasa 1175grams n c baby, until now 35 weeks diet parin.. ginagawa ko bawas rice minsan hindi ako kumakain ng rice s morning pancit, sphagetti or saging na nilaga lang kinakain ko or puto ganun, d nrin ako nagtitake ng vitmins nakakatba daw kc sya sbi ni doc, and s.lunch lng ko nagrarice, s dinner oatmeal lang at isng beses lang ako mag biscuit s gabi pero puro tubig lang, hindi nrin ako madalas uminom.ng malamig kapag malamig hindi ko muna iniinom ganun

Magbasa pa
TapFluencer

Hindi ho momsh, dahil mainit ang panahon,natural na maghanap ka ng malamig na tubig, pero hindi naman yun nakakalaki ng baby..estimated lang po yung sa ultrasound.. tulad ko, bago ako manganak, sa utz, 4.1 na si baby, paglabas niya, 3.1 lang sya.

Hnd po totoo un.. the whole 9 months ng pregnancy q puro malamig iniinom q.. lagi pa my yelo tpz mhilg din aq sa halohalo.. di nmn lumaki c baby 2.5 kilo lng nung pinanganak q sya kc di aq msydo ng rice at matatamis.. puro fruits lang..

Carbs & sugar po nakakalaki ng baby hindi malamig na tubig. Pag uminom ka naman ng malamig na tubig hindi naman na mapamig yun pag pasok sa bituka mo. Tska hindi didiretso yun kay baby kaya walang konek. 😅

Hindi po sanhi ang malamig na water s pg laki ni baby. Sa kinakain po yan. Im currently 35W 3D. 1.9kgs pa c baby ko :) Since nalaman kong buntis ako gang ngyon malamig na tubig po iniinom ko.

4y ago

Hello sis nanganak knb? Na cs ako sa kadahilanang naubos na panubigan ko wala pang signs of labor tapos over due na ako ng 2 days.. Ilan na weight ni baby sa tummy mo ngayon? Inom ka lang anmum mahahabol mo pa paglaki ni baby sa tyan mo. Godbless sis

Hdi po totoo un momshie pero kung GDM ka lalaki talaga si baby mo sa tummy mo 😊 kasi ako GDM ako e mag less rice ka na & iwas sa mga sweets, makolesterol na food water ka lang lagi

Rice intake yan mamsh hindi yan dahil sa malamig na tubig 🤦🏻‍♀️ Mag bawas ka ng rice more vegetables ka nalang para di na masyado lumaki si baby

Nung ako po normal na water lang iniinom ko tapos binabawasan ko kanin .more on gulay at fruits po ako nun para daw pagnanganak ako hindi ako mahirapan

Super Mum

Water has zero calories naman whether if it's hot or cold. Hindi sya factor sa paglaki ni baby sa loob. Ang nakakalaki is yung sweets and carbs.

Hindi naman po totoo yun. Bawas na lang po sa pagkain para di lumaki si baby masyado baka kasi mahirapan ka rin mumsh sa paglabas sa kanya.