

Long post ahead. Hello. First-time mom here po. Pupunta po kami ng pedia bukas for a follow up (wellness) check up pero gusto ko lang po ishare yung nararanasan po ng anak ko ngayong 3 months sya, hoping may mommy po na merong same experience and makapag advice po sana. Sobrang worried na din po kasi ako sa baby ko na pati po sa ENT specialist ay balak na po namin pumunta just to be sure and check si baby. Gusto ko na din po ipaxray to check. Bago po ang lahat, Bigyan ko din po kayo history for more information po or will serve as background po just in case. Background: may sepsis po sya paglabas, nag undergo ng phototherapy dahil sa jaundice. Everything went well. Wala na po syang sepsis and jaundice after a week. May congenital hernia din po sya. - Ever since, may kabag na po si baby. Sabi po ng pedia is due to immature digestive system pa po kaya normal po sa baby ang may kabag. 2 weeks in after madischarge sa ospital, pansin ko may halak si baby dahil madalas sya masamid. Nung una akala ko din po dahil may plema pero pag dinadala po namin sya sa pedia, everything’s clear daw po. Ipaburp or padighayin lang daw po nang padighayin si baby which is lagi po naming ginagawa (almost all burping techniques, you name it). We are so desperate. 2months na po si baby, still kabagin and para syang may gas pains at may halak pa din sya. Nag-gu-grunt sya habang natutulog kaya hirap sya matulog pag nilalapag. Minsan parang nag ggrasp na sya sa paghinga. May mga nageescape na mga hangin and mind you, wala pong ubo at sipon si baby. I talked again sa pedia nya and colicky nga daw po si baby kaya yun daw po yung mga nageescape na hangin and eventually iooutgrow nya daw po ito. Mostly 3-4mos up to 6mos ay magiging better daw po. It bothers me so much mga mumsh. Ngayong 3 months na sya, yes mejo nagimprove naman ang kabag nya, di na sobrang putok ng tyan nya at nakakatulog na sya nang deretso minsan sa gabi pero may naglalabasan pa din pong hangin and di nawawala halak nya. Parang nagvvibrate lagi. Nag sisimeticone - Restime (gas drops) din po sya after feedings pero 3x a day lang po namin ginagamit. (Morning, noon and bedtime). Pero ganun pa din po. Parang barado ilong nya pero walang sipon and may vibrations lagi sa lalamunan nya. Not sure what to add mga mommies pero yung anxiety ko e grabe na. Any advice? Or tips? Im desperate na. Thank you. #colic #colicky #kabag #kabagin #kabaginsibaby #halak #halaknibaby
Read more






