


Naiinis ako sa kamag anak ko.. pinahalik ba naman yung 5months old kong anak sa ibang bata nakakainis lang akong nanay mismo hindi hinahalikan yung anak ko sa labi nakakainis talaga ng sobra bakit may mga kamaganak tayong hindi nakaintindi kagagaling lang nang anak ko sa ubo tapos ngayon heto nanaman tayo.. sasabihan pa akong maarte mga sis naglabas lang ako ng sama ng loob pero hindi ako maarte worried lang ako sa anak ko na baka kung ano nananaman makuha nyang sakit .. #kamaganak #baby
Read more


Hi po galing po kaming check up ng 4 mos. old ko na baby, so nag laboratory na din po sya CBC, Platelet Count and Urinalysis. Lahat naman normal. Then tinalian po sya ng rubber sa right arm nya para daw po malaman if may red spot na lalabas. Meron po nakita 3 red spot then sabi negative naman daw po sa dengue. Kasi ok nman daw lab result. Nung pag uwi po namin nung nilapag ko na po baby ko nagulat ako kasi ang dami bigla ng spot sa right arm nya. So agad agad po tumawag ako kay Doc then sabi nya painumin ko daw po POCARI SWEAT 2 ounces every 6 hours. Then nagbasa basa ako about POCARI SWEAT not recommended sya para sa 1 year old pababa. Naguguluhan na po ako kasi Doctor na po nagsabi na painumin ko tapos may mga nababasa po ako na ganun. Then pinapabalik po kami bukas umaga para makita nga po ulit ung mga lumbas na red spot kay baby. #PocariSweat #Dengue
Read more
